• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gomez, masaya at kabado sa pelikula nila ni Sharon Cuneta

Richard Gomez, masaya at kabado sa pelikula nila ni Sharon Cuneta

Richard Gomez, kabado sa balik tambalan nila ni Sharon Cuneta kaya nag-request na ishoot ang parts ng pelikula sa Ormoc City.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/5/2018 10:08 AM
Richard Gomez, masaya at kabado sa pelikula nila ni Sharon Cuneta


 

Sa interview ng Push Now Na kay Richard Gomez, nagkuwento siya tungkol sa pelikulang gagawin niya with Megastar Sharon Cuneta. Ayon kay Richard, malapit na sila mag-shoot at ang pelikula ay isang light romance family story kung saan “on the verge of a breakup” na ang mga karakter nila ni Sharon.

WATCH: Push Now Na: Richard Gomez at Sharon Cuneta, nagkwento tungkol sa kanilang upcoming movie

Makakasama din nila sa pelikula si Teen Queen Kathryn Bernardo na matagal na ring hindi nakasama ni Richard sa pelikula. “Last ko siyang nakita (sa) She’s Dating the Gangster. Bagets na bagets pa siya nun. It’s wonderful to see her that way. She’s a very big star now.”

Nakapareha rin ni Richard si Sharon sa maraming pelikula at masaya si Richard sa balik-tambalan nila ng Megastar. “Natutuwa ako kasi ang tagal namin di nagsama ni Sharon. I was really happy to be with her on stage.”

Inamin ni Sharon sa isang interview na kabado siya sa new movie nila ni Goma. Nang tanungin si Goma kung ano ang reaksyon niya dito, ang sagot niya ay, “mas lalo akong kinakabahan kaya ang-request ako na parts ng movie dun isu-shoot sa Ormoc, pumayag naman sila.”