Pinay wagi sa Miss Asia Pacific International 2018

Usaping pangkapayapaan sa mga kapatid na Muslim at Kristyano ang pangunahing adbokasiya ng bagong reyna ng Miss Asia Pacific International.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/5/2018 10:25 AM
Pinay wagi sa Miss Asia Pacific International 2018


Photo credit: @mutya_ng_pilipinas on IG

 

 

Wagi sa katatapos lang na 2018 Miss Asia Pacific International ang pambato ng Pilipinas na si Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel.

Si Akeel ay tubong Sultan Kudarat at isa sa mga naging paboritong kandidata mula sa limampung dalaga na naglaban-laban para sa korona ng Miss Asia Pacific International nitong Oktubre 4 sa Newport Performing Arts Theatre.

Read: Kesha Ramachandran takes home Mutya ng Pilipinas’ Tourism Queen of the Year International crown

Maikli man ang naging preparasyon, pinatunayan ng bente anyos na kandidata ang kanyang ganda at talino para masungkit ang korona para sa bansa.

 

Bukod kay Akeel, kinoronahan naman bilang first runner up si Gabriela Palma ng Brazil, second runner up si Melania Gonzales ng Costa Rica, third runner up si Misheelt Narmandakh, at fourth runner up naman si Mariani Nataly Chacon Angrita ng Venezuela.

Bilang Muslim, osa sa pangunahing adbokasiya ni Akeel ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Kristiyano at ng mga kapatid na Muslim.

Bukod sa pagsentro sa kanyang adbokasiya, plano na din isabay ni Akeel ang pagkuha ng lisensya para maging isang ganap na guro.

Mapapanuod ang late telecast ng Miss Asia Pacific International 2018 sa Oktubre 7 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.