• Home
  • Fresh Scoops
  • Mga ama nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, suportado ba ang mga anak sakaling maging totohanan ang kanilang loveteam?

Mga ama nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, suportado ba ang mga anak sakaling maging totohanan ang kanilang loveteam?

Suportado ba ng mga popshies nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin (DonKiss) kung sakaling magiging totohanan ang love team nila?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/5/2018 3:41 PM
Mga ama nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, suportado ba ang mga anak sakaling maging totohanan ang kanilang loveteam?


 

Nitong Oktubre 5 sa Magandang Buhay, nakasama ng mga momshie-hosts ang love team na sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin o kilala bilang DonKiss. Bilang kasama ang kani-kanilang mga ama na sina Anthony at Gilbert sa naturang episode, tinanong ito ng mga hosts kung susuportahan ba nila ang mga anak kung sakaling dumating ang panahon na magiging totohanan ang kanilang love team.

Para sa daddy ni Kisses na si Gilbert, importante lang naman ay maging mabait at maka-Diyos ang magiging nobyo ng anak. “Kami naman bilang magulang, ang importante sa magiging ano (nobyo) ni Kisses ay mabait, religious, at saka mapagmahal.”

“Pero hindi pa yun, matagal pa, career muna. Kasi nakikita ko naman kay Kisses, inuuna niya ‘yung career,” pahabol ni Tatay Gilbert.

Ayon naman sa daddy ni Donny na si Anthony, may proseso dapat kung magiging totoo ang relasyon ng love team. “Nasa proseso ‘yun e, kung ano man ang desisyon. Whether first date or boyfriend o kasal, may mga tanong kaming tinatanong (kay Donny).”

“(Una), pinagdasal mo ba yan? (Pangalawa), humingi ka ba ng advice sa mga mentor mo? Kasi may mga mentors siya sa church. Number three, masaya ka ba? And then when you asked (those) questions, ‘yun ang magiging proseso para suportahan namin siya sa desisyon niya,” paliwanag pa nito.

Sa parehong episode, pinag-usapan din ang nag-viral na photo noon ni Kisses kasama ang pamilya niya at ni Donny.

 

Pinaliwanag ni Donny na hindi man siya kasama sa photo, nandoon talaga siya nung kinunan ang nasabing dinner picture. “May photo na lumabas, kasama ni Kisses sina Lana (kapatid ni Donny), sina daddy. Ang di nila alam, nandoon talaga ako nung time na ‘yan,” kwento ni Donny.

“Kumain kasi siya, tapos nag gym siya. Dapat pala hindi ka nag-gym nun kasi kakakain mo lang,” paalala naman ni Kisses kay Donny.

READ:

Kisses Delavin hints at joining beauty pageants soon

Kisses Delavin on Donny Pangilinan: ‘He’s a gentleman’

Mapapanood ang DonKiss araw-araw sa PlayHouse pagkatapos ng It’s Showtime.