Jerrold Tarog is new 'Darna' director

Papalitan ni Jerrold Tarog ang unang director ng 'Darna' na si Erik Matti

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/5/2018 7:09 PM
Jerrold Tarog is new 'Darna' director


Matapos ang naging anunsyo ng ABS-CBN Films o Star Cinema nitong Oktubre 4, tungkol sa pagbibitiw ni Erik Matti bilang direktor ng Darna, ipinakilala na ngayon, Oktubre 5  si Jerrold Tarog bilang bagong direktor ng inaabangan na movie ni Liza Soberano.

Read: Erik Matti is no longer the director of 'Darna'

Sa naging statement ng ABS-CBN Corporate Communications, pinasalamatan ang multi-awarded director sa pagtanggap ng project at inihayag ang paghanga sa mga obra niya tulad ng mga pelikulang “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral."