• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus reveals love-hate relationship with mom in his book

Jake Zyrus reveals love-hate relationship with mom in his book

Jake Zyrus, ipinaliwanag kung bakit ayaw niyang dalawin ang lola niya na nasa ICU.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/5/2018 9:40 AM
Jake Zyrus reveals love-hate relationship with mom in his book


Photo credit: @jakezyrusmusic IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, pinagusapan ang malaman na chapter two ng libro ni Jake Zyrus na I am Jake kung saan niya nilahad ang totoong relasyon niya sa kanyang ina na si Raquel Pempengco. Ang title ng chapter ay Mommy Dearest.

Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Jake ang totoong relasyon niya sa ina, “you love them… but I also realized na when you say the truth it doesn’t mean that I don’t love them.”

READ: Jake Zyrus’ mom cries foul over singer’s MMK story: “Lahat ito walang katotohanan”

Isa sa mga sinabi ng ina ni Jake bilang reaksyon niya sa libro ay, “dalawin mo naman ang lola mo, ikaw pa naman ang paboritong apo.” Nag-react naman dito si Jake at sinabi na, “Actually, kinilabutan ako when they said na ako ang paboritong apo ng lola ko. Because I remember the last time they told me na tinatakwil na nila ako.”

Ayon kay Jake, ilan sa naririnig niyang salita mula sa lola at ina niya ay, “I’ve been told all my life. I always get those words like wala kang kwenta, wala kang utang na loob.”

Mas makakabuti rin daw na hindi ni Jake kasama ang pamilya niya. “Hindi ako magpapaka-plastik, magagalit ka talaga when you hear those words. I don’t throw them away as my family. Para sa akin, mas okay na hindi nila ako kasama. I live in peace. We cannot be in one room too long.”

Meron ding sinabi si Jake sa libro niya na “I don’t know my own mother.” Pinatotohanan naman ito ni Jake at sinabi niyang, “I really don’t… we never had that relationship. Wala kaming I love yous. Like it was always on TV.”

Ganunpaman, weakness daw ni Jake ang kanyang ina. “I don’t hate her. She’s my weakness.”

Nang taungin kung ano ang ibig sabihin ni Jake, ang sagot niya ay, “I can’t even look at her picture. I know that’s her picture. That’s the saddest thing. She knows she’s my weakness and she takes advantage of it and I’m not afraid to say it. Isang iyak niya lang. Uubusin ko lahat sa kanya. My money, everything.”

May sakit ngayon ang lola ni Jake at nasa ICU ito. Gusto daw niya itong dalawin pero hindi niya ito magawa dahil, “You go there. They’ll just tell you that they don’t really appreciate you.”