• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado ibinahagi ang paboritong bahagi ng wedding plans

Iza Calzado ibinahagi ang paboritong bahagi ng wedding plans

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/5/2018 10:20 AM
Iza Calzado ibinahagi ang paboritong bahagi ng wedding plans


Photo credit: @missizacalzado on IG

 

Pinalakpakan kamakailan ang eksena ni Iza Calzado bilang si Rebeca Marquez sa telerseryeng Ngayon at Kailanman.

Nagpasalamat si Iza sa kanyang di inaasahang attensyon na nakuha sa mga manunuod.

Sobrang grateful ko, hindi ko pa siya napapanuod, i-I want tv ko nalang. Pero kasi yung two days na yun hindi ako nakapanuod, sa Twitter lang ako nakapanuod noon,” kuwento ni Iza as naganap na set visit ng Ngayon at Kailanman.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ganito ako pag sinaktan ang mga mahal ko!!! 🦁 Tonight on #NAKLagotNa after FPJ’s Ang Probinsyano

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on

 

Sobrang nakakatuwa kasi nakita ko nga nag trending ‘yung show, ‘yung hashtag natin that day,” sabi pa niya.

Dagdag pa ng aktres, marami pa ang dapat abangan sa kanyang karakter bilang si Rebeca at sa teleserye.

Siyempre abangan pa natin na malalaman ba niya kung sino talaga ang gumawa nito sa pamilya niya, that’s one. At some point, malalaman niya na buhay ang anak niya,” kuwento pa ni Iza.

Sa personal na buhay naman, nagbigay update din siya sa pag-aayos ng kanyang kasal sa fiancé na si Ben Wintle.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Have you grabbed a copy of the Mega Weddings book? 👰🏽 @mega_magazine

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on

 

Ngayon, konti naasikaso buti nalang magaling ang wedding planner ko, (laughs) most of the big decisions naman have been made,” sabi pa ni Iza.

Ibinahagi pa niya ang pinakapaborito niyang portion ng wedding preps na pinagdadaanan niya ngayon.

Pero parang pinakamagandang proseso so far ‘yung food tasting. Doon ko nalaman na talagang matakaw ata talaga ako kasi hindi ako natutuwa sa ibang aspeto pero sa food tasting, tuwang-tuwa ako,” pahayag pa ng aktres.

Tutuloy pa rin si Iza sa kanyang showbiz career matapos ang kanyang kasal.