• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, ibinahagi kung bakit ayaw niya ng mag-anak ulit

Beauty Gonzalez, ibinahagi kung bakit ayaw niya ng mag-anak ulit

Ibinahagi rin ni Beauty Gonzalez ang diet niya para ma-achieve ang kanyang slim body.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/5/2018 7:52 PM
Beauty Gonzalez, ibinahagi kung bakit ayaw niya ng mag-anak ulit


Photo credit: @beauty_gonzalez on IG (R)

Sa naganap na press conference noong October 3 para sa bagong teleserye na Kadenang Ginto, ibinahagi ng Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez kung bakit ayaw niya nang magkaroon ng ikalawang baby.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

Ayoko na,” pahayag ng aktres. “Okay na ko kay Olivia. I’m already happy with Olivia, and my husband has other kids already, all four boys.”

Masaya namang ibinahagi ni Beauty ang pagiging ina sa kanyang two-year-old baby girl na si Olivia katuwang ang asawa na si Norman Crisologo na ayon sa kanya ay napaka-supportive sa kanyang career.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

Sa ibang balita, marami rin taga-press ang nagulat sa malaking pagbabago sa katawan ni Beauty. Dahil dito, hindi naiwasang tanungin kung ano ang ginagawang diet ng aktres.

I don’t eat pork anymore, I don’t eat chicken. Fish lang ‘saka more on vegetables. May cheat day, kasi ‘yung asawa ko nagagalit ‘pag di ako kumakain… I only do intermittent fasting. So I only have one meal a day. Pero ‘yung one meal a day ko, lahat na ‘yun, with all the nutrients,” sabi ni Beauty.

Nilinaw din ng aktres na hindi unfair ang pagtanggap ng nanay roles sa mga projects na binibigay sa kanya. “As much as possible I wanna look like a hot momma, para I’m still there… I don’t mind playing mother roles. Marami naman diyang iba na may mga anak na, like me, at a young age may anak na ko, but there’s nothing wrong about it.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

Sa waistline na 24 inches, nagbigay si Beauty ng advice sa mga mommies na gusto rin ma-achieve ang slim body niya. “Start first with being healthy, then after that masasanay din ang katawan mo. And ‘wag kayong maniwala na overnight lang ‘to. Ang tagal tagal bago ako magkaroon ng ganitong katawan,” paliwanag ng aktres.

Magsisimula na ngayong Lunes, October 8, ang bagong teleserye sa hapon na Kadenang Ginto. Makakasama ni Beauty Gonzalez sina Dimples Romana, Albert Martinez, Luis Alandy, Andrea Brillantes at Francine Diaz.