‘M Butterfly’, lilibot sa Pilipinas simula 2019

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/4/2018 10:50 AM
‘M Butterfly’, lilibot sa Pilipinas simula 2019


Photo credit: @mbutterflymnl on IG (L)

Well applauded ang huling performance ng Manila 2018 production ng award-winning stage play na M Butterfly sa pangunguna ni RS Francisco.

Dito, masayang inanunsyo ng bida at producer na si RS ang pagkakaroon ng nationwide tour ng M Butterfly simula sa 2019.

 

“It’s the last of the Manila run. We’re going to start na with the tour first quarter of 2019. Happy kasi pwede na ako mag-party, pwede na ako magpuyat, pwede na kumain ng kung ano ano. I don’t need to diet anymore,” sabi ni RS.

At habang nagpapahinga, plano manuod ng bagong stage productions ni RS sa America.

“I’m going to New York to watch all the plays. We’ve been rehearsing for three months—pre-prod, rehearsals, and shows... I’ve missed so many shows in Broadway,” kuwento pa niya.

Saludo din si RS sa sikat na Pinoy broadway producer na si Jhet Tolentino na bumuo sa M Butterfly.

“Actually sulit ang pagod especially na isang Jhet Tolentino na gumawa ng pangalan sa sarili niya hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa Estados Unidos, sa Broadway itinaya niya ang pangalan nya,” pahayag pa ni RS.

Non-profit at ibinigay sa iba’t-ibang charity organizations ang kinita ng Manila run ng proyekto ni RS kung saan marami ang kanilang natulungan.