• Home
  • Fresh Scoops
  • Luigi Revilla, inaming si Assunta De Rossi ang nag-guide sa kanilang love scene sa 'Amats'

Luigi Revilla, inaming si Assunta De Rossi ang nag-guide sa kanilang love scene sa 'Amats'

Wala din daw naging problema sa misis ni Luigi Revilla na may love scene siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/4/2018 9:38 AM
Luigi Revilla, inaming si Assunta De Rossi ang nag-guide sa kanilang love scene sa 'Amats'


Showing na noong October 3 ang action trilogy movie ng magkakapatid na Revilla—Jolo, Bryan at Luigi—titled Tres. Pero naging sentro ng usapin sa episode ni Luigi na Amats ang tungkol sa love scene nila ng award-winning actress na si Assunta de Rossi.

Ayon kay Luigi, unang araw pa lang ng syuting ng Amats ay kinunan na agad ang love scene nila ng aktres.

“Love scene kasi namin ginawa first day. First scene ko nung first day ng syuting love scene agad. Napalaban agad ako which is a good thing naman.

“It was a good take. I trusted Direk Dondon (Santos) kasi and it worked out kasi lahat ng inhibitions (ko) nawala. Yon pala yung ginagawa nila, kapag may love scene inuuna na para at least the next scene kapag kaeksena muna wala na yung hiya,” napapangiting kuwento ni Luigi sa PUSH.

Aminado rin si Luigi na hindi naiwasang makaramdam siya ng kaba bago kinunan ang eksena nila ni Assunta.

“Kinabahan ako before the scene, pero sa sobrang professional ni Miss Assunta, nawala yung kaba during the scene,” reaksyon pa niya.

Patuloy niya, “Si Assunta yung parang nag-guide at sobrang thankful ako. Kasi siguro, kung ibang artista yon na baguhan pala baka maiilang ka pa pag hinawakan mo in a certain way.

“After the scene nga nagso-sorry pa siya sa akin. Parang, ‘Sorry, sorry, sorry. ‘Siya pa yung nahihiya.”

Ayon pa kay Luigi, gumaganap siya na inosenteng binata sa Amats at si Assunta naman ay isang aggressive cougar.

“Si Assunta yung tumulong sa akin nung nawala sa akin lahat. Pero yung pagtulong niya sa akin hindi in a good way kasi siya yung nag-influence sa akin na mag-drugs, magbenta ngdrugs. So, tinulungan niya ako, binigyan niya ako ng bahay, tumira ako sa kanya, pinapakain niya ako, binibigyan niya ako ng pera pero at the same time dyinowa niya ako,” paliwanag pa niya.

Sa totoong buhay ba ay pinagnasaan din niya noon si Assunta?

“Sino namang hindi, di ba? Oo naman,” ang walang keber niyang sagot.

“I respect Miss Assunta and ina-idolize ko rin siya,” dagdag niya.

Hindi raw naman naging problema sa misis niya kahit may intimate scene sila ng aktres.

“Nagpaalam ako, sabi niya, ‘Okay, sige, sige.’ Sobrang supportive niya. Pinabasa ko pa sa kanya yung script,” he said.

Sa Tres, bida si Jolo sa episode na 72 Hours at si Bryan naman sa Virgo.