• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin on Donny Pangilinan: ‘He’s a gentleman’

Kisses Delavin on Donny Pangilinan: ‘He’s a gentleman’

Ano ang most memorable moment ni Kisses Delavin sa ABS-CBN Ball kasama si Donny Pangilinan?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/4/2018 9:50 AM
Kisses Delavin on Donny Pangilinan: ‘He’s a gentleman’


Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan kung bakit hindi sila magkasabay dumating sa ABS-CBN Ball na naganap noong September 29.

Ayon kay Donny, hindi flowers ang dahilan kung bakit hindi sila sabay ni Kisses. “Medyo na-late din ang flowers pero hindi yun yung reason e.” 

Dagdag pa ng binata, pinag-usapan daw nila ito ni Kisses. “Paano kaya kung dun na lang tayo magkita para i-surprise natin yung fans, na kunwari hindi tayo magkasabay. Pero magkasabay talaga kami.”

Ayon pa kay Donny nag-usap din daw sila ni Kisses na, “dun na lang tayo magkita para first time ko makita ang gown mo, first time mo makita ang isusuot ko.”

Nang tanungin naman kung ano ang memorable moment nila sa ball ang sagot ni Donny ay ang pag-alalay niya kay Kisses buong gabi na suot ang malaking gown nito. “Going around with her na suot niya yun… hndi biro yun ha,” sabi ng binata.

Ayon naman kay Kisses na-appreciate niya ang pag-alalay sa kanya ni Donny. “Na-appreciate ko po kasi yun ng sobra, so yun yung top two ko.” Pero ang top one memorable moment daw ni Kisses ay, “that moment, yung bago kami pumasok sa red carpet. Kasi parang naalala ko yung debut ko.”

Matatandaan na si Donny din ang naging escort ni Kisses nang siya ay mag-celebrate ng kanyang 18th birthday. 

READ: Donny Pangilinan reveals how he became Kisses Delavin’s debut escort

Pagtatapos pa ni Kisses tungkol kay Donny, “He’s a gentleman.”