• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on her French boyfriend: ‘Nakikinig pala talaga si God’

KC Concepcion on her French boyfriend: ‘Nakikinig pala talaga si God’

KC Concepcion, hindi pa engaged pero masaya daw na binigay ni Lord ang pinagdadasal niyang lalaki.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/4/2018 9:45 AM
KC Concepcion on her French boyfriend: ‘Nakikinig pala talaga si God’


Photo credit: @itskcconcepcion on IG

Sa ulat ng TV Patrol, natawa si KC Concepcion nang pag-usapan ang suot niyang singsing nang kilalanin siya bilang isa sa mga Elegant Filipina awardees ni Tingting Cojuangco. Paglilinaw ni KC, “Ito pong singsing, bigay ng Mommy ko nung debut ko pa. Wag kayong ganyan. Excited lahat.”

Hindi pa din daw siya engaged sa French businessman boyfriend niya na si Pierre-Emmanuel Plassart. Ayon kay KC, “Wala pa ring pinag-uusapan. Pero masaya po ako na, parang lahat ng prinay ko, parang nakikinig pala talaga si God.” 

Kamakailan lang ay ipinakilala ni KC ang nobyo sa kanyang Instagram account.

READ: KC Concepcion talks about her new love

Pinapanalangin din ni KC na kapag natupad ang pagpapakasal niya ay matupad ang dream wedding niya kung saan ihahatid siya sa altar ng dalawang ama niya—sina Gabby Concepcion at si Senator Kiko Pangilinan. “Paano yun e dalawa po ang tatay ko. Pinalaki din po ako ng stepdad ko and gusto ko din naman talaga ipakita sa kanya na big part siya ng buhay ko. And of course, si papa na hindi naman maipagkakait na tatay ko. Yun po ang pinakapinagpe-pray ko,” ayon kay KC.

Hindi rin daw magiging maramot si KC sa publiko kapag may engagement na siyang i-aannounce.