Joem Bascon, muling gagawa ng daring role sa isang pelikula

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/4/2018 10:42 AM
Joem Bascon, muling gagawa ng daring role sa isang pelikula


Photo credit: @basconettI on IG (L)

 

Balik pelikula ang aktor na si Joem Bascon sa 2018 Cinema One Originals Festival.

Dito, makakasama ni Joem ang aktor na si Tony Labrusca kung saan gagampanan niya ang isang senswal na karakter.

“It’s a sports erotic film, kasi ‘yun nga, isa sa kanila ang may mental health disorder. Basta it’s a really daring film,” tugon ni Joem sa naging panayam ng press sa Cinema One Originals launching.

“Daring in terms na physically, mentally, sama mo na pati spiritually. Hindi lang sa mga routine and gymnastics,” ani Joem.

Hindi din itinanggi ng aktor na gaya ng kanyang mga naging independent film noon, hindi naging madali para sa kanya ang naging role sa pelikula.

“Siguro ang pinaka-daring na ginawa ko would be Lihis with Jake Cuenca and Direk Joel Lamangan, siguro ‘yun talaga. But dito medyo lower lang siya ng kaunti, pero wala naman din kasing pelikula na madaling gawin,” sabi pa niya.

At kahit nalilinya sa sexy at daring roles, wala daw itong problema sa aktor.

“Siguro, happy ako na kino-consider nila ako to do risky and daring roles na ganito, kasi habang tumatanda ka, hindi mo na naman pwede gawin ‘to so ginagawa ko na ‘yung the most out of kung ano man ang offer sa akin.

“Kasi by 35 to 40 baka hindi ko na siya kaya gawin. Or talagang hindi na ako papayag nun pero sa ngayon na pwede ko pa gawin, gagawin at gagawin ko pa din,” pahayag pa niya.

Bukod sa pelikulang Double Twisting, Double Back nina Joem at Tony, narito ang iba pang pelikulang kalahok sa 14th Cinema One Originals 2018.

A Short History of a Few Bad Things ni Keith Deligero.

Asuang ni Raynier Brizuela.

Bagyong Bheverlyn ni Charliebebs Gohetia.

Never Tear Us Apart ni Whammy Alcazaren.

Hospicio ni Bobby Bonifacio

Mamu: And a Mother Too ni Rod Singh

Paglisan ni Carl Papa

Pang MMK ni John Lapus

Simula October 12 hanggang 21 mapapanuod ang mga pelikulang kalahok sa 2018 Cinema One Originals Festival sa mga sinehan ng Gateway Cineplex, PowerPlant Cinema at piling Ayala Malls Cinema sa Pilipinas.