• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson, nilinaw ang isyung hindi boto ang kanyang ina kay McCoy de Leon

Elisse Joson, nilinaw ang isyung hindi boto ang kanyang ina kay McCoy de Leon

Sinagot ni Elisse Joson ang isyung dahil saa kanyang ina kaya naapektuhan ang samahan nila ni McCoy de Leon.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/4/2018 3:43 PM
Elisse Joson, nilinaw ang isyung hindi boto ang kanyang ina kay McCoy de Leon


Diretsahang sinagot ni Elisse Joson nang makapanayam siya ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe ang isyung hindi umano boto ang kanyang ina sa onscreen partner niyang si McCoy de Leon kaya sila nagkahiwalay.

“It’s really natural for parents naman to be protective siyempre kilalanin kunwari whoever tries to be with their son or daughter pero that’s really not the whole thing,” aniya.

Dagdag pa ni Elisse, “Kaya parang it got too big na parang it’s not even half of the story.”

Nang tanungin naman si McCoy kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon, pag-amin ng aktor, “Ngayon po hindi na po tulad ng dati pero siguro bilang lalaki nga po, ako siguro yung kung may dapat mang ayusin, ayusin.”

Awkward man daw silang dalawa ngayon, importante pa rin kay McCoy na ayusin ang kanilang relasyon dahil sila’y magkatrabaho pa rin.