• Home
  • Fresh Scoops
  • Priscilla Meirelles, ibininahagi ang sikreto ng relasyon kay John Estrada

Priscilla Meirelles, ibininahagi ang sikreto ng relasyon kay John Estrada

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2018 3:39 PM
Priscilla Meirelles, ibininahagi ang sikreto ng relasyon kay John Estrada


Photo credit: @primeirelles on Instagram

Going strong ang relasyon ng Pinay based Brazilian Beauty Queen na si Priscilla Meirelles at asawa nitong si John Estrada.

Sa naging panayam ng entertainment press sa launching bagong business venture ng beauty-queen actress kasama si Derek Ramsay sa Rising Empire Dynasty, ibinahagi niya ang tila isang sikreto ng kanilang relasyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Macau 🇲🇴 #quickvacay2018

A post shared by Priscilla Meirelles-Estrada (@primeirelles) on

 

“When I met my husband, alam ko na totoo e [babaero siya], e mahirap talaga mag-asawa ka ng gwapo di ba?” masayang kuwento ni Priscilla.

Kuwento pa niya, magaan lang ang nagiging trato nila sa mga problema na kanilang kinakaharap.

"We have like this relationship, he actually sometimes says, 'Grabe ka ha, that's why i love you, you're so funny.' You know I say the right things, the truth, but you know we also get to laugh about it,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Birthday Husband. 🎂 🎈 🙏

A post shared by Priscilla Meirelles-Estrada (@primeirelles) on

 

Sabi pa ng misis ni John Estrada, naniniwala siya sa kanyang mister sa kabila ng naging nakaraan nito na kilalang kilabot na ng kababaihan.

“Pero alam mo naman 'yung nature ng babae, nature ng lalaki, it's very different. I'm not a hypocrite, I don't know, I hope he's been telling me for years that he's behaving,” sabi pa niya.

“Yun ang sinasabi ko sa kanya, 'kung mayroon kang ginagawa na hindi maganda e bahala si Lord sa 'yo e, you're not my problem.' Parang ganun lang," masayang kuwento ng beauty queen.

Gaya ng ibang relasyon, Hindi din itinanggi ni Priscilla na dumaan din sila sa pagsubok.

“At the end of the day, nobody is perfect, no relationship is perfect. There is no perfect marriage,” pahayag pa ni Priscilla.

2011 nang pinakasalan ni John Estrada  si Priscilla at mayroon isang anak na babae.