Boy Abunda, na-offend sa tanong ni Vice Ganda

Boy Abunda, umamin kung nasasaktan siya kapag nasasabihang kamukha ni Kokey.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/31/2018 9:02 AM
Boy Abunda, na-offend sa tanong ni Vice Ganda


Sa Tonight with Boy Abunda, nagpapatuloy ang pag-interview ni Unkabogable Vice Ganda sa host at birthday boy na si Boy Abunda.

Napaamin ni Vice na 17 years old si Tito Boy nang ma-lose niya ang kanyang virginity at ang first kiss daw niya ay during High School sa “likod ng mga saging.”

Nang itanong naman ni Vice kung “have you ever done it with a girl,” natawa si Tito Boy at sinabi ng pabiro, “susmaryosep naman Vice, wag ka namang ganyan. Na-offend ako dun, parang hindi naman tamang itanong yan.”

Kung kiss naman daw sa babae ang sabi ni Tito Boy ay, “palagay ko meron pero kinalimutan ko na.”

Attracted naman daw si Tito Boy sa men in uniform. Anya, “gusto ko naka-uniform, doctor, may kakaibang appeal sa akin.”

Sumang-ayon naman dito si Vice at sinabing gusto din niya ng men in uniform, katulad ng mga pulis.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Tito Boy kapag natatawag siyang Kokey. Apektado pa kaya siya nito? Ani Boy, “You have to reach a certain point in your life that you cannot be defined by words. Pero siyempre nung bata-bata pa ako pag sinabi mong kamukha ka ni Kokey o pangit ka siyempre maapektuhan ka di ba? I am in a good place.” 

Basahin pa ang ibang rebelasyon ni Tito Boy bilang host sa first part ng interview ni Vice kay Tito Boy. 

READ: Boy Abunda, umamin na halos mag-walk out sa interview with Vhong Navarro