• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda: ‘I am Nanay’s winner even before a contest begins’

Boy Abunda: ‘I am Nanay’s winner even before a contest begins’

Boy Abunda, may priceless memory with Nanay Lesing na ayaw niyang makalimutan ng Nanay niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/31/2018 9:55 AM
Boy Abunda: ‘I am Nanay’s winner even before a contest begins’


Kilala si Boy Abunda sa parati niyang sinasabi na “make your Nanay proud.” Sa kanyang birthday special sa Tonight with Boy Abunda, tinanong si Tito Boy ni Vice Ganda kung ano ang memory niya kay Nanay Lesing na ayaw niyang makalimutan nito. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may dementia si Nanay Lesing. 

Ayon kay Boy, ayaw niyang makalimutan ni Nanay Lesing ang isang memory na nangyari noong High School siya sa seminaryo. Kwento ni Boy, “There was one declamation contest. Buried Alive ang title ng aking pyesa, nasa hall kami sa aking maliit na bayan. I could see my mother from afar. Nakalimutan ko ang pyesa.  I forgot the piece. As in talagang hala.”

Hindi napigilang maging emosyonal ni Boy sa pagpapatuloy ng touching na kwento, “Ang nanay ko proud nandun sa likod … ang dating sa akin you’re okay. Right after that contest dito sinabi ng nanay ko, not exact words pero dito ako humuhugot sa mga pagkakataong nanghihina ako bilang tao, bilang propesyonal… sabi niya sa akin even before a contest begins you’re my winner.”

Dahil daw dito ay totoong naging malakas at okay si Tito Boy. “I will forever be grateful to my mother for making me believe that I am okay. I’m able to say I’m okay because Nanay made me believe that I’m okay. And I am okay because I am Nanay’s winner even before a contest begins,” sabi ni Boy.

Kung naman daw merong isang salita si Tito Boy na gusto niyang maiwan sa publiko, ito pa rin ang katagang, “make your nanay proud.” 

Dahil daw kapag proud sa atin ang mga nanay natin ay proud ang buong pamilya natin, proud ang lahat sa atin at ayon kay Tito Boy, “and when you make your nanay proud, you’re kind.” 

Basahin pa ang ibang rebelasyon ng King of All Talk sa first part ng kanyang interview kasama ang guest host na si Vice Ganda. 

READ:Boy Abunda, umamin na halos mag-walk out sa interview with Vhong Navarro