• Home
  • Fresh Scoops
  • Alessandra de Rossi, inaming hindi niya inaasahan ang role niya sa ‘Since I Found You’

Alessandra de Rossi, inaming hindi niya inaasahan ang role niya sa ‘Since I Found You’

Pag-amin ni Alessandra de Rossi, leading role ang orihinal na offer sa kanya sa ‘Since I Found You.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2018 9:47 AM
Alessandra de Rossi, inaming hindi niya inaasahan ang role niya sa ‘Since I Found You’


Photo credit: @msderossi on IG

Binigyang linaw ni Alessandra de Rossi ang bali-balitang may tampo siya sa ABS-CBN network matapos ang kanyang teleserye na Since I Found You kasama sina Piolo Pascual, Empoy, at Arci Muñoz.

Ayon sa panayam niya sa ABS-CBN News sa naganap na media launch ng pelikula niyang Through Night and Day, aniya, "Noong i-noffer siya sa 'kin, leading lady talaga siya. I mean, kilala niyo naman ako ever since. Bago 'yon, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko and finally dumating 'yung role na gusto ko kasi leading lady e, parang bago 'to, i-try nga natin.”

Hindi daw niya inasahan na mag-iiba ang kanyang role sa serye.

"'Yun nag-abot naman ako ng kape at papel kay Papa P. So masaya naman ako na natapos na 'yung show dahil gustong-gusto ko nang gawin 'to (Through Day and Night).

"I don't know kung ano 'yung nakarating, the tampo and all, but hindi iyun 'yung in-offer sa 'kin na role and kung alam ko lang na mag-aabot lang pala ako ng kape, ginawa ko na to agad (movie) kasi naghihintay itong movie na ito. Ganun lang siya," dagdag pa niya.

Pag-ulit ni Alessandra, wala naman daw siyang tampo.

“Hindi ako nagtatampo. Kasi sinasabi ko nga, hindi siya first time na nangyari sa artista, nangyayari siya talaga," mabilis niyang tugon sa press. “I'm just here to explain my side... Tao lang ako. Pinaasa ako, so yes masama ang loob ko noong time na 'yun,” aniya.

Ipapalabas sa sinehan ang Through Day and Night ngayong Nobyembre 14.