• Home
  • Fresh Scoops
  • ALAMIN: Listahan ng mga pinoy movies na mapapanuod sa Netflix

ALAMIN: Listahan ng mga pinoy movies na mapapanuod sa Netflix

Isang magandang balita para sa Pinoy audience ng Netflix ang pagiging bahagi ng ilang Pinoy movies sa film line-up nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2018 3:49 PM
ALAMIN: Listahan ng mga pinoy movies na mapapanuod sa Netflix


Isang magandang balita para sa Pinoy audience ng Netflix ang pagiging bahagi ng ilang Pinoy movies sa sikat na international video streaming platform.

Isa na dito ang highest grossing historical movie ng TBA Productions na Heneral Luna na pinagbidahan ni John Arcilla.

Bukod sa historical film kabilang din ang blockbuster na pelikulang Kita Kita ng Spring Films na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra De Rossi.

Bahagi din ang action movie ni Anne Curtis na BuyBust, My Ex & Whys ni Liza Soberano at Enrique Gil, It Takes A Man And A Woman ni John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, Starting Over Again ni Piolo Pascual at Toni Gonzaga, That Thing Called Tadhana nila JM De Guzman at Angelica Panganiban.

Tampok din ang family movies tulad ng Seven Sundays, Vince & Kath & James,  at ilang comedy movies ni Vice Ganda na Beauty and The Bestie at Praybeyt Benjamin.

Sa darating na November 15, mapapanood na ang marami pang Pinoy movies sa international video streaming.