Ricci Rivero: ‘Idol ko talaga yung KathNiel’

Ricci Rivero, aminadong idol ang KathNiel at gustong makasama ang love team sa future projects niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/30/2018 9:51 AM
Ricci Rivero: ‘Idol ko talaga yung KathNiel’


Photo credit: @ricciiirivero (L) on IG

Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, malaki ang pasasalamat ni UP Fighting Maroons guard Ricci Rivero para sa kanyang debut movie na Otlum na kasama sa Metro Manila Film Festival. Ani Ricci, “Sobrang thankful kasi hindi naman talaga namin inexpect. Gusto ko talaga mag-explore ng iba’t ibang bagay.”

Kung may gusto naman makasama si Ricci sa kanyang future projects ay wala yung iba kundi ang love team na KathNiel. Aminado si Ricci na fan siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Idol ko talaga yung KathNiel ever since, kasi lahat ata ng movie nila napanuod ko. Kahit hindi lang si Kathryn kahit na andun sila pareho, kahit ekstra-ekstra lang,” ani Ricci. 

Ayon pa sa ulat, pinagbigyan din si Ricci ang mga nagpa-selfie sa kanya sa mall tour kung saan isa siya sa mga judges para sa isang Halloween costume contest.

Single din diumano si Ricci ngayon at focused pa rin sa karera niya sa basketball.