• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano nga ba nagsimulang mabuo ang love team ng ‘KierVi’?

Paano nga ba nagsimulang mabuo ang love team ng ‘KierVi’?

Ibinahagi rin ni CK na tinatawag niyang ‘baby girl’ si Vivoree.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/30/2018 2:15 PM
Paano nga ba nagsimulang mabuo ang love team ng ‘KierVi’?


Pinuno ng kilig at hiyawan ng studio audience ang episode ng Magandang Buhay ngayong October 30 nang ikuwento ni Charles Kieron, o mas kilala bilang Hashtag CK, kung paano niya tinutukso si Vivoree Esclito.
 
Ayon kay CK, tinatawag niyang ‘baby girl’ si Vivoree tuwing umaga, “Kasi tinatawag ko kasi siyang baby girl. (Pero) ayaw niyang tinatawag ko siyang ‘baby girl.”
 


 
Binalikan din ng nina CK at Vivoree, o mas kilala bilang KierVi, noong una silang nagkita para sa audition ng teleserye sa ABS-CBN na Araw-Gabi. “Nag go-see (audition) po kami para sa Araw Gabi. ‘Yun po ‘yung first encounter namin. After that, first time namin magkawork sa Ipaglaban Mo pero hindi as love team,” kwento ni Vivoree.
 
Ayon kay CK, nagsimula ang love team dahil sa isang tweet ng isang ABS-CBN staff na pinagsama ang kanilang pangalan. “Nagstart pong ipagpair yung pangalan namin sa tweet po nung RSB unit na si Kuya Pher. Akala po ng fans na love team kami doon sa Ipaglaban (Mo), pero hindi (pa) po.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Witchu #ABSCBNBall2018 @hashtag_ck

A post shared by V (@vivoree) on


 
Nagsimulang mapanood ang tambalang KierVi sa teleseryeng Since I Found You na pinagbidahan nina Piolo Pascual, Arci Munoz, Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. “After po ng Ipaglaban Mo, nag-Since I Found You kami. Noong naghanap po sila kung sino yung ipe-pair sa akin, nahanap nila si CK,” dagdag ni Vivoree.
 
Kwento din ni CK, nakilala na niya ang magulang ni Vivoree. Sa katunayan nag-a-update siya ng mga lakad nila ng ka-love team dito. “Lagi pong nagtetext sa akin si tita (nanay ni Vivoree), nag-a-update po ako kung saan ang lakad naming dalawa,” ani CK.
 
Mapapanood sina CK at Vivoree sa Wansapanataym: Maniken Ni Monika tuwing Linggo sa ABS-CBN.