Netizens, nagulat sa ‘photobomber’ ni Cesar Montano

Di napansin ng aktor na si Cesar Montano na habang nag-video greeting siya para sa isang kakilala ay may agaw-pansing pangyayari sa kanyang likuran.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2018 7:53 AM
Netizens, nagulat sa ‘photobomber’ ni Cesar Montano


Nabulabog ang social media sa video greeting ni Cesar Montano para sa kaibigan niyang kagawad sa Sta. Ana, Manila na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Hindi ito dahil sa kanyang sinabi kundi naging mabilis ang mata ng ilang netizens at napansin ang isang babae sa likod ni Cesar.

Sa video, naging agaw-eksena ang isang hindi pa nakikilalang babae na tila walang saplot sa kanyang katawan. Palaisipan sa mga social media users kung may suot nga ba ang kasama ni Cesar o di kaya’y may saplot naman na hindi lamang naaninag sa video.

Orihinal na ipinalabas ang kanyang video greeting sa Facebook page ng isang Rolando Olano at kaagad din naman itong nabura ngunit mabilis din itong na-repost ng ilang social media pages.

Sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Cesar tungkol sa isyu.