Janno Gibbs, dumaan noon sa depression

Ipinaliwanag din ni Janno Gibbs kung bakit ayaw niyang makita ang sarili sa telebisyon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2018 11:04 AM
Janno Gibbs, dumaan noon sa depression


May paliwanag ang singer-actor na si Jannno Gibbs tungkol sa isyu ng pagiging late niya sa trabaho at mga showbiz commitments na nagsi-circulate noon pa man sa showbiz.

“Kasalan ko rin yon, eh, kasi dyino-joke ko. Kumbaga, ginamit ko rin, eh. Sinakyan ko rin, eh, ginagawa ko laging joke. Even ang Instagram ko is Janno “Late” Gibbs, hindi ko pa napapalitan,” natatawa niyang pahayag.

Dugtong ni Janno, “So, ang notion ng iba, parang naku totoong laging late, pero sa totoo, hindi naman talaga.

“Hindi naman ako uubra sa mga… ang dami ko ng ginawang soap, sa (GMA) 7 and (ABS-CBN) 2, na-try ko na. Hindi naman ako uubra don na late ako do’n di ba? Hindi naman ako ito-tolerate.

“Kasi dumadating ako, ako na nagme-make-up sa sarili ko, ako na lahat—nag-aayos ng buhok ko, nagre-ready ng damit ko. Pagdating mo naman do’n nagme-make-up pa yung mga babae, di ba, nagbo-blower pa.”

Katulad ng ilang artista, hindi rin itinanggi ni Janno na dumaan siya sa depresyon noon. Ito raw ang dahilan kung bakit ayaw niyang makita ang sarili sa telebisyon.

“Dumaan din ako sa depression. One of na puwede kong banggitin, I gained a lot of weight before. Pag nakikita ko yung sarili ko sa TV, ayoko. I didn’t like what I saw,” pagtatapat niya.

“So, ano muna ako, tago muna ako. Ayoko yung nakikita ko sa TV.”

Eh, anong ginawa niya?

“Constant, eh. Pag pumayat na ako ng konti lalabas ako. Pag medyo bumalik na naman (yung katabaan) tago muna ako. Alam mo rin kasi pag nakikita ko mismo sa TV. Alam mo pag pipintasan ka na. ‘Ang taba naman ni ano. Mukha namang…’

“Ang sakit lang, saka ang dating is naka-bother siya imbes na mapansin yung performance mo, di ba? Naba-bother sila sa nakita nila, nakikita nila yung pitas imbes na yung performance mo.

“So now, kaya medyo I want to be active again because I feel na medyo naka-lose na ako ng konting weight. I feel, okey ako ngayon, medyo in fighting form ako ngayon,” pahayag pa ni Janno sa PUSH.

Samantala, kapipirma lang ni Janno ng bagong kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos niyang umalis sa poder ng PPL Entertainment.