• Home
  • Fresh Scoops
  • HALLOWEEN SPECIAL: Babae sa Balete drive, nagpakita kay Maris Racal?

HALLOWEEN SPECIAL: Babae sa Balete drive, nagpakita kay Maris Racal?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/30/2018 1:02 PM
HALLOWEEN SPECIAL: Babae sa Balete drive, nagpakita kay Maris Racal?


Photo credit: @mariesteller on IG

Hindi makakalimutan ng Kapamilya star na si Maris Racal ang kanyang kakaibang encounter na nagdulot ng takot sa kanya.

Buhay na buhay pa ang istorya kay Maris ng kanyang ikinuwento ang kanyang encounter sa mahiwagang Babae sa Balete Drive.

“First time ko noon dumaan sa Balete drive since taga-Davao po ako. Tapos dumaan ako, sila nagku-kuwento kuwento, hindi ko alam kung saan. Tapos bigla na lang ako may nakita talaga. Paano ko ba siya i-describe… basta girl na naka-white, long hair. Hindi ko maisip na tao yun tapos may sinu sway siyang parang bata,” kuwento pa ni Maris sa PUSH.

Matapos ang nakita, napaisip si Maris at naalala ang kuwento ng isang kaibigan tungkol sa isang misteryosang Babae na nagpapakita sa Balete Drive.

“Ang weird nga noon kasi daytime (Nasa tabi ba ng puno?) Hindi nasa gitna siya ng road!
And then doon ko lang na realize na siya pala yun ng kinukuwento at dini describe ng friend ko” nakakakilabot pa na kuwento niya.

Hindi nakita ni Maris ang mukha ng mahiwagang babae pero iba ang kaba sa kanya ng makita ito sa kanilang daraanan.

Tiningnan ka ba o may mukha ka nakita?

“Wala nakatalikod siya!” sagot pa ni Maris.

Kinabahan ka nang malaman mo kung ano yun?

“Oo kinilabutan talaga ako kasi parang wala lang, akala ko tao siya na gusto niyang ihelehele ang anak niya. Tapos kinonfirm ko sa sarili ko na siya nga yun” paliwanag pa niya.

Sa huli, dasal lang ni Maris na huwag na muli makita ang babae sa Balete drive na hindi niya makalimutan.