• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda, umamin na halos mag-walk out sa interview with Vhong Navarro

Boy Abunda, umamin na halos mag-walk out sa interview with Vhong Navarro

Boy Abunda, matapang na pinangalanan kung sino ang mga muntikan niya nang iwanan na interview.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/30/2018 10:01 AM
Boy Abunda, umamin na halos mag-walk out sa interview with Vhong Navarro


Sa Tonight with Boy Abunda, si Vice Ganda naman ang bumangka bilang guest host at nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ang King of Talk na si Boy Abunda. 

Sa interview ni Vice kay Boy, tinanong ng It’s Showtime host kung may mga na-interview si Boy kung saan halos nag-walk out siya. 

Pag-amin ni Boy, marami siyang mga interview na halos mag-walk out siya. Nagbigay din siya ng tatlong pangalan. Unang-una na ang interview niya kay Vhong Navarro matapos itong masangkot sa isang kontroberya kung saan allegedly nabugbog siya at nagsampa siya ng kaso laban sa kampo nina Cedric Lee. Ayon kay Boy, “Remember when Vhong was in the hospital and he had his lawyers? It was no comfortable kasi si Vhong pasa-pasa.” Hindi daw naging madali for Boy and interview at dagdag pa niya, “I also felt for Vhong.”

READ:Vhong Navarro, naiyak sa pagpanig sa kanya ng korte

Pangalawa ang interview ni Boy kay KC Concepcion, “That controversial interview with KC for The Buzz dahil dumating kami ni KC dito halos sabay eight o’clock PM, nangyari yung interview two AM dahil she couldn’t make up her mind whether she wanted to do the interview or not. That’s a difficult interview.”

Ang pangatlo naman ay ang interview ni Boy kay Claudine Barretto matapos pumanaw ang kanyang on screen partner at ex-boyfriend Rico Yan. Ani Boy, “this is a time when pumanaw ang kaibigan Rico Yan. It was a difficult interview. Pag dating namin dito, hindi namin alam kung eere.”

LOOK: Claudine Barretto visits Rico Yan's grave