• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann, hindi inakala na mapapansin ang kanyang pagganap sa ‘The Maid In London’

Andi Eigenmann, hindi inakala na mapapansin ang kanyang pagganap sa ‘The Maid In London’

Inspirado din si Andi Eigenmann na manakot ngayong Halloween.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/30/2018 1:11 PM
Andi Eigenmann, hindi inakala na mapapansin ang kanyang pagganap sa ‘The Maid In London’


Sa red carpet premiere ng pelikulang All Souls Night, personal na tinanggap ni Andi Eigenmann ang kanyang Best Actress trophy mula sa naganap na 2018 Manhattan International Film Festival para sa pelikulang The Maid In London.

 

Kuwento ni Andi, hindi niya inakala na mapapansin ang kanyang acting sa pelikula 

“I’m in this industry because I’m really passionate about what I do. I don’t expect anything in return, but because I did get something like this, sobra po ako nagpapasalamat,” bungad ni Andi sa press.

Matapos ang acting award, handa naman daw ngayon manakot si Andi sa All Souls Night na pasok ngayong Halloween season.

Aniya, ibang klaseng katatakutan ang kanyang ihahandog sa mga manunuod.

“With horror films, it’s normal that may scare factor siya talaga mapapasigaw tayo o magulat tayo because of the certain scenes na pinapanood natin, pero itong horror movie na ito it doesn’t really try so hard to do that,” paliwanag niya.

Kasama ni Andi ang pamilya ngayong undas. Matapos ang pagbisita sa mga mahal sa buhay, magkikita-kita daw sila ng mga kaibigan para panuorin ang kanyang pelikula.

“I haven’t really spent All Saints Day or All Souls day in Manila for quite a while but Ellie is going to be with her dad so manonood lang ako ng All Souls Night with my friends (laughs),” pahayag pa niya.

Ayon pa kay Andi, lumipad din sa Maynila ang kanyang inspirasyon para magbigay suporta sa kanya.

Mapapanuod ang All Souls Night simula October 31, sa direksyon ni Yam Laranas.