• Home
  • Fresh Scoops
  • WOW! LizQuen photo noong ABS-CBN Ball, umabot sa mahigit 1M likes sa Instagram

WOW! LizQuen photo noong ABS-CBN Ball, umabot sa mahigit 1M likes sa Instagram

Tinuturing na 2nd most liked Instagram post sa Pilipinas ngayon ang photo na ito ng LizQuen.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/3/2018 9:51 PM
WOW! LizQuen photo noong ABS-CBN Ball, umabot sa mahigit 1M likes sa Instagram


 

Umabot na nang mahigit isang milyong likes sa Instagram ang post na ito ng bagong Darna star na si Liza Soberano. Kasama niya rito ang ka-loveteam na si Enrique Gil. Suot ng dalawa ang gown at suit na ginamit nila sa nakalipas na ABS-CBN Ball 2018.

Pinost ni Liza ang nasabing LizQuen photo noong September 30 na may caption na ‘Bubu bear.’

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bubu bear

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

Sa ngayon ay mayroong 1,039,0622 likes na ang naturang post ni Liza, malapit sa post ni Anne Curtis noong nakaraang taon na tinuring unang naka-reach ng isang milyong likes sa Instagram sa Pilipinas.

Si Anne Curtis at Liza Soberano ay dalawa sa mga nangunguna ngayon sa paramihan ng Instagram followers sa Pilipinas. May 9.8 million followers si Anne at 8.2 million naman ang kay Liza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Always. #MetroSocietyxABSCBNBall2018 #MetroSocietyVanities #MSVanities @bjpascual @metrosocietyph

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

Bukod sa photo na ito, naging laman din ng balita ang isa pang LizQuen Instagram post kung saan nag-iwan ng komento ang beteranong aktres na si Cherie Gil.

READ: Cherie Gil leaves a comment on LizQuen's photo, points out to keep up more with the times