• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla, inaming mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria

Jolo Revilla, inaming mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria

Walang masabing negatibo si Jolo Revilla tungkol sa kanyang ex na si Jodi Sta. Maria

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/3/2018 10:05 AM
Jolo Revilla, inaming mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria


 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Jolo Revilla na marami siyang natutunan sa ex-girlfriend Jodi Sta. Maria at isa na raw dito yung pagiging responsableng ama. Sinabi daw sa kanya ni Jodi na, “Kailangan 100 percent pa rin yung ibibigay mo sa kanya (anak ni Jolo).”

Pagpapatuloy ni Jolo tungkol kay Jodi, “kahit wala na kami ngayon… wala akong masasabing masama sa kanya e dahil nagmahalan naman talaga kami e. Eight years is eight years.”

Nang tanungin kung sinubukan niyang i-win back si Jodi ang sagot ni Jolo ay, “siguro Tito Boy sa amin na lang yun. I do still love her. Siguro, we both need time.”

Ang natutunan naman daw ng aktor sa relasyon niya kay Jodi ay, “Kailangan mas mahalin ko muna ang sarili ko. Papaano ka magmamahal ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo?” 

Bilang ama naman ay istrikto si Jolo sa anak niyang si Gab. “Super strikto ako sa anak ko. I’m a disciplinarian.” 

Kuwento ni Jolo, kakabigay lang daw niya ng cellphone kay Gab dahil kinuha niya ito sa bata para mailayo sa masasamang pwedeng makita sa social media katulad ng pornography.

Ayon kay Jolo, mabait ang 13-year-old na si Gab at basketball player ang bata sa school nito. Okay din daw ang relationship niya sa ina ni Gab na si Grace at regularly daw sila nag-uusap. Nakakausap din ni Jolo recently maging ang lola ni Gab na si Rosanna Roces.