• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria, walang special treatment na natatanggap bilang estudyante

Jodi Sta. Maria, walang special treatment na natatanggap bilang estudyante

Sinabi ni Jodi na nag-eenjoy siya sa kanyang buhay estudyante ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/3/2018 10:11 PM
Jodi Sta. Maria, walang special treatment na natatanggap bilang estudyante


 

Classic but with a twist ang naging peg ng Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria sa naganap na ABS-CBN Ball.

Kuwento ni Jodi, bahagi ng isang experiment ang kanyang ayos sa ball bilang paghahanda sa isang proyekto na paparating.

"I just wanted to look classic and nag-insert lang ako ng little modernity sa look ko. Before kasi akong gumawa ng bagong proyekto, gusto ko lang muna paglaruan ang look ko. That's it," sabi ni Jodi sa press.

https://www.instagram.com/p/BoUGIkPHxcx/?utm_source=ig_share_sheet&igshid=11s7hy9vqntc2

Ibinahagi din ni Jodi ang ilan pa sa kanyang paparating na projects. 

"A new show with Dreamscape, new movie Man and Wife directed by Laurice Guillen and another one is Second Coming by Jet Leyco," kuwento pa ng aktres.

Pagdating naman sa kanyang personal life, masayang nagkuwento din si Jodi sa kanyang buhay bilang isang estudyante.

Aniya, kahit na isang sikat na aktres siya, wala siyang natatanggap na special treatment sa kanyang pag-aaral.

"Ay hindi, wala at 'yun ang gusto ko, tinatrato ako bilang isang normal na tao at ordinaryo,” sabi pa ni Jodi.

At kahit busy sa kanyang trabaho, hindi pa din daw ito hadlang para magsumikap  siya sa kanyang pangarap.

Read: Wow! Jodi Sta. Maria, top 1 sa kolehiyo

"I just make sure that I have a lot of time for studies, talagang time management lang din talaga. Kasi pag hindi, 'yung pagka-busy natin will pull us out from left and right, up and down, kaya kailangan sabihin natin na kapag nasa taping, imbis na chumika, mag-aral. So i think 'yun ang secret doon ayusin ang schedule,” pahayag pa niya.

Kasalukuyan ngayon na kumukuha si Jodi ng BS Psychology sa Southville International School and Colleges.