• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo at Gerald Anderson possible bang magsama sa isang pelikula?

Bea Alonzo at Gerald Anderson possible bang magsama sa isang pelikula?

Inamin ni Gerald na ‘steady’ naman ang mga bagay sa pagitan nila ni Bea.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/3/2018 9:20 PM
Bea Alonzo at Gerald Anderson possible bang magsama sa isang pelikula?


 

Magkasama sa katatapos lang na ABS-CBN Ball sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Dito, hindi itinago ni Bea at Gerald na espesyal sila sa isa’t isa at kuntento ngayon sa kanilang personal na buhay.

“Happy, steady, kumbaga kapag wala ako trabaho, wala ako sa basketball, kami ang magkasama. You know life is good,” kuwento ni Gerald.

Nagbigay detalye din si Bea at Gerlad sa nakaraang pagbabakasyon nila sa Hong Kong kasama ang ilang kaibigan at pamilya ni Gerald.

“Ayos naman. First time namin mag-Hong Kong para ko siyang tour guide. Ang dami niya alam doon, puro kami pasyal,” sabi pa ng aktor.

“At naku andami namin kinain,” masayang tugon naman ni Bea.

Nang tanungin naman kung posible ba sila mapanuod sa isang proyekto, sagot ni Gerald: “Halos kumbaga yung oras na kapag nagsasama kami parang sobrang ok mas gusto ko na walang camera, ‘yung kami lang mas gusto ko kasama kaibigan ko kaibigan nya mas mahalaga sa akin ‘yun but syempre malaking priveledge sa akin kung makasama ko siya ulit.” 

Para naman kay Bea, “Mas maganda ihiwalay ang reel sa real, so siguro mas ok yun,” sagot pa niya.

Busy ngayon, si Bea sa promotion ng pelikulang First Love kasama si Aga Muhlach at isang teleserye naman ang pinaghahandaan din ni Gerald.