Vice Ganda to Regine Velasquez: ‘You’re my hero’

Vice Ganda, binalikan ang pagiging super fan kay Regine Velasquez at sinabi kung bakit mas mahal niya si Regine sa “jowa” niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/29/2018 3:49 PM
Vice Ganda to Regine Velasquez: ‘You’re my hero’


Sa Gandang Gabi Vice, inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na ni-request niya na ang unang guesting niya as a Kapamilya network ay gawin sa GGV. Paliwanag niya sa host na si Vice Ganda, “Kasi nakita kita nung bata ka pa and how you started. Feeling ko kasali ako dun, although hindi naman talaga ako dun kasali. Although, I just feel so so proud of you and what you have achieved. And every time kapag nanunuod ako ng (It’s) Showtime it helps people… and the things that you say sa mga contestants for example. Minsan lokohan pero minsan binabawi mo tapos nagiging serious ka and I’m proud.” 

WATCH: Regine Velasquez ipinaliwanag na siya ang nagdesisyong lumipat ng network

Dagdag pa ni Regine, “Kaya gusto na maunang mag-guest dito kasi gusto kong sabihin na I’m very proud of you.”

Na-touch naman ng sobra si Vice at sinabi nito kay Regine na malaking bahagi si Regine ng karera niya, “Talagang bahagi ka nito, malaking bahagi.” 

 

Kwento pa ni Vice na sinabi niya sa asawa ni Regine na si Ogie Alcasid na, “Alam mo saying that Regine is my idol is an understatement. Hindi ko siya idol, she’s my hero.” 

Ipinaliwanag din ni Vice kung bakit hero niya si Regine. “She’s my hero. Ang laki ng impluwensiya mo sa buhay ko. Ang laki ng epekto mo sa buhay ko at nagsimula ako mag-perform ng dahil sa’yo. Ng dahil sa kanta mo. Nahilig ako sa music ng dahil sa’yo. Natuto ako mag-ipon para bumili ng cassette tape, ng multiplex CD dahil sa’yo,” kwento pa ng komedyante. 

Inaalala din ng dalawa ang pagiging super fan noon ni Vice kay Regine.  Present diumano noon si Vice sa mga signing, pati na mga singing engagements ni Regine. Kasama diumano ni Vice noon ang kaibigan niyang si Anton. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Panalo 'to! 🤣🤣🤣 Grabe ang laughtrip this Sunday! #RegineOnGGV

A post shared by Gandang Gabi Vice (@abscbnggv) on

 

Ang first TV guesting din ni Vice ay “sa birthday” diumano ni Regine. Tanda pa ni Vice na ang kinanta niya noon ay “In Your Eyes” na pinanalo ni Regine sa Bagong Kampeon. 

Giit ni Vice, “You gave me the confidence to sing. You gave me someone to emulate. You’re   someone who has been inspiring me ever since mula noon hanggang ngayon kaya mahal na mahal kita. Nasa puso kita. Mas mahal kita kaysa sa jowa ko promise.”