LizQuen, bibida sa bagong pelikula

Balik pelikula muli sina Liza Soberano at Enrique Gil.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2018 5:21 PM
LizQuen, bibida sa bagong pelikula


Photo credit: @lizasoberano/ @tonetjadaone on IG

Isang bagong proyekto ngayon ang pagsasamahan ng Kapamilya love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa mga larawan na ibinahagi ng direktor na si Antonette Jadaone sa Instagram, magkasama sina Liza at Enrique sa tila katatapos lang na meeting para sa upcoming projects.

 

The Lovers, The Dreamers and Me,” maikling caption ng direktor sa post.

Ito ang unang proyekto ng LizQuen sa dumaraming pelikula ng Black Sheep Entertainment na nagproduce ng mga pekikulang Exes Baggage, at ang new movie nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador na To Love Some Buddy.

Sa ngayon hindi pa tiyak kung kailan ang target shooting date ng pelikula na dapat abangan soon.