Kiray Celis mas gusto ng tahimik na love life

Sinabi ng aktres na di naman niya kailangan ibalandra ang pictures ng kanyang boyfriend sa social media.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2018 7:59 AM
Kiray Celis mas gusto ng tahimik na love life


Gustong gawing pribado ni Kiray Celis as much as possible ang kanyang love life kaya ayaw niya raw i-post sa social media ang picture nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang businessman.

“Mas okay yung walang nangingialam, mas okay yung walang nakakaalam,” komento ni Kiray na isa sa bida ng pelikulang Class of 2018.

“Kasi hindi naman kailangang pinagmamalaki. Sabi nga nila pag masaya ka hindi mo kailangan ipagmalaki at ipakita. Alam mo sa sarili mo na masaya ka.

“Nakikita naman nila kami pag lumalabas kami. Ayoko kasing haluan ng trabaho, kasi yung Instagram ko, yung Twitter ko, yung Facebook ko, pang trabaho,” patuloy na paliwanag ni Kiray sa amin.

Hindi naman daw niya itinatago ang karelasyon.

“Kaya nga ako pumili ng non-showbiz kasi kung artista lang, gusto ko lang talaga ng… kahit di ko ipagmalaki o i-post sa inyo alam na ng mga tao, eh.

“Gusto ko ng ibang world, gusto ko kapag kasama ko siya sa mundo niya ako pumapasok, hindi sa mundo ko pa rin. Gets? Parang ganun,” sambit pa niya.

Personal ang sumunod naming tanong kay Kiray. Naisuko na ba niya ang virginity sa boyfriend?

Pag-amin niya, “Hindi pa! Takot ako, eh. Takot pa rin ako, baka kasi any time…”

Pero nagki-kiss naman daw sila ng kasintahan.

“Kiss-kiss lang. Ano ako, eh, makiliti ako.”

Eh, paano kung ayain siya ng dyowa?

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko pa kaya. Natatakot kasi ako na any time… Kasi may best friend ako na parang lagi akong niyayang, ‘Sige, makipag-sex ka na, masarap yon.’ Ano naman, eh, magkaibigan kayo, girl talk, tapos biglang all of a sudden, sabi niya, ‘Buntis ako, hindi ko naman sinasadya.’

“So parang natakot ako kasi parang kahit hindi mo gusto pero meron palang mga moments na puwedeng yung mga ganung bagay. So, takot talaga ako,” dahilan pa ni Kiray.

Samantala, kasama ni Kiray sa Class of 2018 sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Kristel Fulgar, CJ Navato, Johnvic de Guzman at marami pang iba. Palabas na ang pelikula sa Nov. 7.