• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon, naiyak sa sulat ng mga kapatid sa Magandang Buhay

Ejay Falcon, naiyak sa sulat ng mga kapatid sa Magandang Buhay

Hindi napigilang maiyak ni Ejay Falcon nang basahin ang sulat mula sa kanyang mga kapatid.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2018 5:16 PM
Ejay Falcon, naiyak sa sulat ng mga kapatid sa Magandang Buhay


Sa October 29 episode ng Magandang Buhay, hindi napigilan ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon ang mapaluha habang binabasa ang mga sulat mula sa kanyang mga kapatid. Sa nasabing sulat, nagpasalamat ang mga kapatid ni Ejay na sina Judy at JV sa tulong niya sa pag-aaral nila, at nangakong hindi sasayangin ang mga sakripisyo ng aktor.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

📷 @mac_igarta

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on


 
Inamin ni Ejay na ang mga kapatid ang naging inspirasyon niya simula nang sumali siya Pinoy Big Brother noong 2008 kung saan tinanghal siya bilang Big Winner. “Sila talaga ang naging inspirasyon ko simula noong umalis ako ng Mindoro. Noong pumunta ako ng Maynila, sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi pwede ‘yung ganito, gusto kong pumunta ng Maynila para magtrabaho.’ Nagkataon lang talaga yung (pagbubukas) ng Pinoy Big Brother na ibinigay talaga sa’kin ng Diyos na makapasok doon. Ayun nag dire-diretso na,” sabi ng aktor.
 
Dagdag ni Ejay, sinisiguro niya na maayos ang karera dahil nakasalalay ang sustento ng kanyang mga kapatid dito. “Hanggang ngayon, masasabi ko na ako’y hindi malokong tao dahil tinitignan ko ‘yung pwedeng maging epekto ‘pag napahamak ako. Dahil mga kapatid ko ‘yung mga nandiyan,” kwento niya.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sekyu. Kapag nasa Katuwiran Ipaglaban mo. @ipaglabanmoabscbn

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on


Napagtapos ni Ejay ang dalawa niyang kapatid na ngayon ay nasa Mindoro kung saan nagpapatuloy ng kani-kaniyang propesyon. Samantala, nasa Manila naman ang bunso na nagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo.
 
Naging guest actor si Ejay sa isang Korean drama na Where Stars Land na itinuring niyang isa sa mga unforgettable experiences niya.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Aji3👌🏼 @soobinms #iamnotarobot #wherethestarsland🎬 👉🏽 #falconatincheon

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on


 
READ: Ejay Falcon, ikinuwento kung gaano ka-strikto sa oras ang Korean production team