• Home
  • Fresh Scoops
  • Derek Ramsay shares how he convinced his son to study in the Philippines

Derek Ramsay shares how he convinced his son to study in the Philippines

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/29/2018 3:53 PM
Derek Ramsay shares how he convinced his son to study in the Philippines


Photo credit: @ramsayderek07 on IG

Hands on father ngayon ang aktor na si Derek Ramsay sa kanyang 15-year-old na si Austin na kasalukuyan na ngayong nag-aaral dito sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng PUSH at ng entertainment press kay Derek sa kanyang bagong partnership sa KYZOX Foundation, masayang nagkuwento ito sa kanyang bagong career bilang isang tatay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Might bonding with my baby boy. Love you mate.

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

 

“Ang bait talaga ni Lord, everything just play down perfectly, I gotta ask him ‘would you like to study there’ I always joke about it pag pumupunta siya dito sa Manila every Christmas or holiday,” bungad ni Derek sa press.

Aniya, malaki ang pasasalamat niya na hindi naging mahirap sa ina ng kanyang anak ang payagan ito na dito na sa Pilipinas manirahan.

“Nagpupustahan kami niyan sa basketball  ‘o pag hindi mo na shoot yan, dito kana mag-aaral sa akin’ so pustahan kami and then one day they asked me if he can study here ‘sure I’d love to have you here’,” kwento pa ni Derek.

“He flew in over a weekend, nag-entrance exam siya, pumasa siya so eto na, I couldn’t believe it until I saw him in the airport. He’s been here now, he has made new friends. He’s enjoying,” sabi pa niya.

Natutuwa din daw ang aktor na bilang isang ama, nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa kanyang anak, tulad ng pagsubaybay sa mga kaganapan nito sa pang araw-araw na buhay. 

“I’m doing something right, he turned 15 with me here. He just had basketball try out, but unfortunately hindi siya nakapasok sa try out so he’s very sad about that,” pahayag pa ng aktor.

Bukod sa kanyang partnership sa KYZOZ foundation, isang pelikula ang ginagawa ni Derek kasama ang aktres na si Jessy Mendiola.