Sa kanyang latest Instagram post kahapon, October 27, ibinahagi ni Sharon Cuneta ang ilang behind-the-scenes photos ng kanyang bagong pelikula na Three Words to Forever.
Kasama sina Richard Gomez at Kathryn Bernardo, shinare ni Megastar ang ilang pictures kung saan sila ay nakasakay sa kabayo at naka-costume na pang cowboy.
Kasalukuyang nasa Ormoc, Leyte sina Sharon para magshoot ng ilang eksena sa probinsya kung saan namumuno bilang mayor si Richard.
Ang Three Words to Forever ay nasa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.