• Home
  • Fresh Scoops
  • Jonas Gaffud, positibong makukuha muli ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe

Jonas Gaffud, positibong makukuha muli ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe

Ipinakilala din ni Jonas Gaffud ang kanyang bagong model discoveries.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/28/2018 9:13 AM
Jonas Gaffud, positibong makukuha muli ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe


Photo credit to: @jonasempire.ph IG

Proud na ipinakilala ng pageant expert at beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang kanyang mga bagong model discoveries na Global Asian Models o GLAM na maglalaban laban para sa modelling contracts sa iba’t-ibang bansa.

</p>

Dito, ibininahagi ng pageant expert ang pagkakaiba ng training ng isang beauty queen kumapara sa modelling.

“In modelling kasi you’re selling your clothes, you’re selling your face and the product that you’re selling. In beauty pageants kasi you are selling your personality,” bungad ni Jonas sa launching ng GLAM.

Fearless din na nagbigay pahayag ang kilalang beauty queen maker tungkol kay 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray, na muling masusungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe pageant.

“I think Catriona has a very big chance but like any other girl. Si Pia (Wurtzbach) hindi nga naisip ng mga tao na may chance siya. Naniniwala ako ha na humbly Catriona has everything,” pahayag pa ni Jonas.

Samantala, inilabas na din ng Miss Universe Organization sa kanilang website ang latest profiles ng mga 2018 Miss Universe candidates na maglalaban-laban sa December 16 sa Bangkok, Thailand.