Maja on Zanjoe: ‘Ramdam ko may spark’

Maja Salvador, inaming may spark sa pagitan nila ni Zanjoe Marudo pero hindi nila ma-pursue dahil sa mga ex nila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/27/2018 11:09 AM
Maja on Zanjoe: ‘Ramdam ko may spark’


Sa Tonight with Boy Abunda, matapang na sinagot nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo ang mga katanungan tungkol sa kani-kanilang love life. Ayon sa dalawa pareho silang single. Ito raw ang dahilan kung bakit mas maganda ngayon si Maja, “Ngayon ko ini-enjoy sobra yung pagiging single ko, eight months na.”

Tinanong din kung paano nagsimula ang friendship nila ni Zanjoe. Ayon kay Maja nagsimula ito dahil sa nagkakasama sila sa mga out of the country shows. Matapos naman daw nito, ayon kay Zanjoe, nagkaroon siya ng isang “sitwasyon” kung saan, “may kailangang umalalay sa akin nun, hindi ko inakala na si Maj yung tumulong sa akin at hindi ako iniwan hanggang sa maging okay ako.”

Dun daw narealize ni Maja na kaibigan niya talaga si Zanjoe dahil, “may concern (ako sa kanya), hindi mo kayang wala ka dun.”

Pero na-tempt kaya sila na maging more than friends? Aminado si Zanjoe na merong something na hindi niya ma-explain sa kanila ni Maja dahil, “nung mag-shoot kami may mga moments na naiilang ako.” 

Agree din si Maja na pwede sana sila maging sila ni Zanjoe pero nakakapigil dito ang mga past relatioships nila, “Okay sana e kaso yung mga ex namin. Sa ibang tao ang weird naman nagpalitan.”

Sambit din ni Maja kay Zanjoe, “Aaminin ko kung hindi nangyari, kung nauna ka lang kay ano, okay.” Napa-react naman dito si Zanjoe na, “sayang.” 

Dagdag pa ni Maja, “ramdam ko may spark pero may something na ang weird e.”

Matatandaan na ex ni Maja si Gerald Anderson at ex naman ni Zanjoe si Bea Alonzo na ngayon ay magkarelasyon na. 

READ: Bea Alonzo recalls love story with Gerald Anderson 

Muli ding nilinaw ni Maja na hindi siya ang third party sa hiwalayan nuon ni Angelica Panganiban at Carlo Aquino. 

READ: Maja Salvador: ‘Hindi po ako third party’

Hindi na rin daw pwedeng maulit ang chapter ng buhay niya with Carlo kahit ligawan pa siya nitong muli dahil, “tapos na moment niya. Once tapos na ako sa relationship, tapos na.”