• Home
  • Fresh Scoops
  • Tignan: Teresa Loyzaga napagkamalang gf ng anak na si Diego Loyzaga

Tignan: Teresa Loyzaga napagkamalang gf ng anak na si Diego Loyzaga

Humanga ang mga fans ni Diego sa kaseksihan ng kanyang mommy na si Teresa Loyzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/27/2018 1:04 PM
Tignan: Teresa Loyzaga napagkamalang gf ng anak na si Diego Loyzaga


Photo credit: @diegoloyzaga IG

Proud na shinare ni Diego Loyzaga ang picture nila ng kanyang ina na si Teresa  Loyzaga sa isang beach front sa kanyang Instagram. Agaw pansin si Teresa dahil sa kanyang suot na two-piece na bikini, na siya namang hinangaan ng mga kaibigan at fans ni Diego. Sinabi pa nga ng MYX VJ na si Ai Dela Cruz na akala niya ay may bagong girlfriend ang aktor dahil sa very young pa din ang dating ni Teresa. 
 
Nagbabakasyon ang dalawa sa Camiguin at sinabi pa ni Diego na masaya siya dahil masaya rin ang kanyang mommy. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Shes happy so i am too #LazonesFestival2018 #FeelCamuigin

A post shared by Diego (@diegoloyzaga) on

May 100,000 likes as of this writing ang picture ng mag-ina. 

Isa si Diego sa mga bida ng bagong afternoon teleserye na Los Bastardos sa ABS-CBN.