• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, kinuwento kung paano ipinagdiwang ang kanyang birthday

Joshua Garcia, kinuwento kung paano ipinagdiwang ang kanyang birthday

Proud din si Joshua Garcia kay Julia Barretto na hands-on sa pagasikaso ng regalo nito sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/27/2018 1:50 PM
Joshua Garcia, kinuwento kung paano ipinagdiwang ang kanyang birthday


Photos credit: @garciajoshuae IG

Magkasama man araw-araw, going solo muna si Joshua Garcia sa kanyang ice cream endorsement.

Dito, naitanong kay Joshua kung ano pakiramdam na magtrabaho nang wala si Julia sa kanyang tabi.

“Ang maganda sa amin, like ito nung first time ko makuha ito talagang very proud siya sa akin. Sabi niya, ‘Sana mas marami pa dumating.’ Yun ang maganda sa amin, sobrang proud kami sa isa’t-isa, suportahan talaga kami,” bungad ni Joshua sa naging panayam ng press sa Cornetto ice cream launch.

Dito, nagbigay kuwento din si Joshua sa kanyang naging birthday celebration noong October 7. Isang espesyal na bakasyon ang naging regalo sa kanya ni Julia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy birthday, my love. My heart is yours.

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

READ: Here’s what Julia Barretto gave as a gift to Joshua Garcia for his 21st birthday 

“Ang sarap maging tamad ng isang araw, alam mo yung wala kami ginagawa, walang nagpapa-‘on the set’ sa iyo, relax ka lang . Tapos nakatingin ka sa ilog. May ilog kasi doon at ang fresh ng hangin,” kuwento pa ni Joshua.

Pagmamalaki ng aktor, “Si Julia ang nakaisip ng idea na yun kasi wala kami na plano. Ang ginawa ko, plano ko is Saturday with Julia and Linggo with family ko naman. Birthday ko talaga,” aniya.

Wala na din daw mahihiling si Joshua para sa kanyang sarili.

“Ako kasi, hindi ako materyolosong tao. Sapat na sa akin yung nandyan siya. Ayun yung ginawa niya, actually lahat ng gumastos doon sa Bulacan siya lahat yun. Thankful nga ako di na ako gumastos (laughs). Joke lang!” masayang pahayag ni Joshua.