• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann, hindi pa naipakikilala ang surfer BF sa inang si Jaclyn Jose

Andi Eigenmann, hindi pa naipakikilala ang surfer BF sa inang si Jaclyn Jose

Andi Eigenmann on wedding plans with current boyfriend: ‘Natuto na ako to just live in the moment and enjoy everything’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2018 11:00 AM
Andi Eigenmann, hindi pa naipakikilala ang surfer BF sa inang si Jaclyn Jose


Photos credit to the owners

Ka-live-in na ni Andi Eigenmann sa probinsiya ng Siargao ang boyfriend niyang professional surfer na si Philmar Alipayo pero hindi pala ito nakikilala ng nanay ng aktres na si Jaclyn Jose.

“Hindi pa po sila nagkakakilala,” pagtatapat ni Andi nang mainterbyu siya ng PUSH sa presscon ng All Souls Night.

“Pero my family is very supportive in general. My kuya said, you know I’m old enough to make my own decisions. I’m an adult and he knows and sees that I’m so happy, so bakit naman sila (hahadlang),” dugtong pa niya.

Okey din daw ang relasyon ng anak niyang si Ellie sa bago niyang boyfriend na meron ding dalawang batang anak.

Aniya, “Surprisingly yes, like really fast. Kasi my boyfriend also has a son—very adorable three-year-old from France and a six-year-old boy. Tapos alam niya kung paano makisama sa bata. So, ang saya rin na I’m in a relationship with someone na ka-age ko but at the same time kapareho ko rin ng priorities.”

Eh, kailan ba niya balak ipakilala ang boyfriend sa ina?

“Pag nagkataon siguro na nagkita. My kuyas and my sisters have already met Philmar and they love him also. Pero hindi naman kasi siya dito nakatira and pag pumupunta siya dito yung mabilis lang para lumipad sa ibang lugar para sa mga competition. Pero darating din kami diyan,” lahad ni Andi.

Ano ba ang reaksyon ni Jaclyn Jose sa bago niyang karelasyon? Tanggap ba niya si Philmar?

“Honestly, I don’t know, we’re both busy with our own lives and I’m not sure, but I really hope because I believe in my family are good people and they are not judgmental,” sambit niya.

Napag-uusapan na ba nila ng BF ang tungkol sa kasal?

Sagot ng aktres, “One thing that I realized is dating someone there in the province I feel mas traditional, parang close to culture sila. Parang you get into a relationship and you think that you fall in love with the person and of course, because you want to be with that person forever.

“And it’s honestly breathtaking. Like, it feels so nice to be with someone who can talk with so much assurance. But ako naman, I live by the day, and I don’t really want to…

“Kasi pag nagplano ka nang nagplano tapos hindi nangyari masasaktan ka lang. Yun ang nangyari sa akin in the past kaya lagi akong depressed, kaya lagi akong malungkot. Kaya natuto na ako to just live in the moment and enjoy everything.

“So for now, words pa lang yung mga sinasabi niya and what I know is nice to hear,” mahabang paliwanag ni Andi sa tanong about their wedding plans.

Samantala, showing na sa October 31 ang All Souls Night na prinodyus ng Viva Films.