• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion, ibinahagi ang mga natanggap na hate comments dahil sa karakter niya sa Halik

Yam Concepcion, ibinahagi ang mga natanggap na hate comments dahil sa karakter niya sa Halik

Nagkwento rin si Yam Concepcion tungkol sa kanyang boyfriend of four years.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/26/2018 1:55 PM
Yam Concepcion, ibinahagi ang mga natanggap na hate comments dahil sa karakter niya sa Halik


Sa October 26 episode ng Magandang Buhay, ibinahagi ng Halik actress na si Yam Concepcion ang mga natatanggap niyang hate comments dahil sa pagganap niya bilang Jade Bartolome sa nasabing teleserye. “Mga ano, ‘Malandi Ka.’ Minsan nga (‘yung) iba, pinepersonal pa eh,” sabi ni Yam.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Jade’s Motto in Life: Haters gonna Hate ✌🏾😂 #TapatangHalik

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

Ayon sa kanya, maging ang pagtakbo niya at butas ng ilong ay pinansin na rin ng mga netizens. “Actually ngayon, lahat, pinapansin na, pati ‘yung takbo, ‘Ano ba ‘yang takbo ni Jade, parang lalaki?’ Tapos, ‘yung butas ng ilong pag-umiiyak. Lahat na.”

Masaya rin ikinuwento ni Yam na kahit may mga hate comments ay may mga natatanggap din siyang love comments. “Pero it’s nice kasi, (minsan) sasabihin nila, ‘I hate you Jade, but I love you, Yam’ so bumawi naman,” dagdag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

JADE 2.0 💋😈💇🏻‍♀️by @iampoisonous

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

Inamin ng aktres na hindi niya inaakala na tatanggapin ng mga viewers at kagagalitan ng marami ang karakter niya bilang Jade. “Hindi ko naman ineexpect na gano’n ‘yung reception na matatanggap namin sa show, with Jade especially. Nakaka-flatter kasi talagang parati kaming puyat, pinaghihirapan namin talaga, inaaral ko rin naman talaga ‘yung karakter ko. It’s nice that people appreciate it,” paliwanag niya.

 

 

Sa parehong episode ng morning talk show, ipinakilala ni Yam sa mga momshie-hosts ang kanyang boyfriend of four years. Kahit may long distance relationship sila, ipinaliwanag ni Yam na malayo ang buhay pag-ibig niya sa karakter ni Jade Bartolome. “Malayong malayo sobra. I’m very loyal of course to my boyfriend, na ‘yung moral compass ko, maayos. I’d rather pick the right choices in life,” sabi niya.

Mapapanood ang Halik tuwing gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.