• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor, nagsalita na sa muling hindi pagkapili bilang National Artist

Nora Aunor, nagsalita na sa muling hindi pagkapili bilang National Artist

May mensahe si Nora Aunor tungkol sa isyu.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/26/2018 10:20 AM
Nora Aunor, nagsalita na sa muling hindi pagkapili bilang National Artist


 

Sa ulat ng TV Patrol, kung noong una ay nanahimik, nagsalita na ngayon si Nora Aunor tungkol sa muli na naman niyang pagkalaglag sa roster of National Artists.

Sa isang mensahe, umapela si Nora sa publiko na wag malungkot at masaktan at kalimutan na lang ang National Artist award. Sapat na konsolasyon na daw sa kanya ang pagtangkilik at pagmamahal sa kanya ng mga taga-hanga at mga katrabaho.

Ayon pa sa mensahe ni Nora, ano daw ang saysay ng parangal kung paulit-ulit na hahamakin ang kanyang pagkatao. Bukod sa kanya, mas nabastos diumano ang mga taong naniniwala sa kanyang talent.

Matatandaan na nung panahon ni President Noynoy Aquino ay hindi rin nagawaran ng National Artist award si Nora.

Ayon pa sa ulat, droga ang ikinakabit na issue kay Nora hanggang ngayon kung kaya hindi ito napipili para sa prestigious award.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isa sa mga select jurors, nagtitiwala sila na dadating ang panahon na mapo-proklama din si Nora bilang National Artist.

WATCH: Nora Aunor, bumwelta matapos ang ikalawang paglaglag sa kanya bilang national artist