Nash Aguas, ini-reveal kung sino ang bagong girlfriend

Nilinaw din ni Nash Aguas na hiwalay na sila ni Alexa Ilacad nung nagkaroon siya ng bagong girlfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2018 10:06 AM
Nash Aguas, ini-reveal kung sino ang bagong girlfriend


 

Para kay Nash Aguas, ang pelikulang Class of 2018 ay isang “breather” pagkatapos niyang gawin ang award-winning primetime series na The Good Son ng ABS-CBN.

“Actually, hinga ito from The Good Son. Sobrang bigat nung The Good Son, eh, kumbaga, kailangang magbanlaw, so feeling ko, ito yung banlaw.

“Kasi ito, masaya siyang gawin kaya nag-i-enjoy ako. Hindi naman sa hindi masayang gawin yung The Good Son, pero stressful siyang gawin,” deskripsyon ni Nash sa bagong film project na showing na on November 7.

Sa interbyu ng ilang entertainment press kay Nash after ng Class of 2018 presscon ay napaamin ang binata tungkol sa relasyon nila ngayon ni Mika dela Cruz na dati rin niyang kasamahan noon sa Star Magic artist.

“Si Mika, nagkita lang kami ulit after two years nu’ng nag-break na kami ni Alexa, parang two months na kaming hiwalay ni Alexa, tapos tsaka kami nagkita don sa reunion ng Goin’ Bulilit,” kuwento ng binata.

Crush na rin daw niya si Mika noon pa man.

“Opo. Opo.”

Kayo na ba ni Mika?

“Opo. Sinagot na rin ako sa wakas,” kinikilig niyang pag-amin.

“Sinagot niya ako nung October 20. Wala pang one week, eh.”

One year din daw niyang niligawan ang kapatid ni Angelika dela Cruz.

Ano bang nagustuhan niya sa dalaga?

“Wala po, siguro siya talaga. Parang she’s the one po.”

Hindi kaya dahil kay Mika kaya hindi nagtagal ang relasyon nila ni Alexa?

“Hindi ko rin alam that time na gusto ko pa si Mika. Kumbaga, parang na-realize ko lang ulit nung nakita ko lang siya. Parang na-hibernate yung feeling, alam n’yo po yon, na-set-aside.

“Kasi feeling ko, pag kami ni Mika, imposible na ulit kaming magkita, eh, so parang wala na talaga,” sambit niya.

Hindi ba mahirap na ang girlfriend niya ay nasa kabilang TV network?

“Yon nga ang nakakatuwa, kasi wala hong problema. Tapos nagagawan at nagagawan ng paraan.”

Samantala, ipinagdiinan ni Nash na hindi naging sila ni Mika habang sila pa ni Alexa ang magkarelasyon.

“Yon din yung gusto kong linawin. Hindi rin ako ganun kasi siyempre, kumbaga sa pamilya namin, kung yung mom ko nga at dad ko hindi nag-work out, so parang bakit ako mag-i-initiate ng something na alam kong hindi tama. Sinigurado ko munang tapos kung tapos,” huling pahayag ni Nash sa PUSH.