Kristel Fulgar, mas gusto magkaron ng non-showbiz boyfriend

CJ Navato, hindi raw totoo na pinagselosan ng girlfriend niyang si Reign si Kristel Fulgar.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/26/2018 10:16 AM
Kristel Fulgar, mas gusto magkaron ng non-showbiz boyfriend


 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ng magka-love team na sina Kristel Fulgar at CJ Navato kung paano nila napapaniwala ang viewers na in love sila gayong hindi naman sila sa totoong buhay. Ayon kay Kristel, “Madali lang po, artista kami e.” Si CJ naman, “I sing with so much love whether or not I’m alone.”

More than a year na si CJ at ang kanyang girlfriend na si Reign. Hindi rin daw totoo na nag-away sila ni Reign dahil kay Kristel.

Ayon naman kay Kristel, sinasama ni CJ minsan sa taping si Reign. Niyayaya pa niya si CJ na lumabas sila minsan kasama ang girlfriend at biro ni Kristel, “pag naging kaibigan ko ang girlfriend niya ibubuking ko ang mga ginagawa niya pag wala ang girlfriend niya.”

Si Kristel naman ay “never” pa raw nagka-boyfriend pero ayon sa kanya, “open naman din po ako mag-entertain.” Ang preference daw niya ay “non-showbiz” sa kanyang magiging boyfriend.

Bukod sa pagkanta ng duet, magkasama rin si CJ and Kristel sa horror film na Class of 2018.

READ: Former Goin’ Bulilit kids, magsasama-sama sa horror film na ‘Class of 2018’