Vice Ganda, proud na proud sa tagumpay ni Iyah Mina

Nagbigay ng mensahe si Vice Ganda para kay Iyah Mina matapos itong parangalan bilang Cinema One Originals 2018 Best Actress.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/25/2018 1:55 PM
Vice Ganda, proud na proud sa tagumpay ni Iyah Mina


Ibinahagi ni Vice Ganda ang tuwa at pagkaproud niya para kay Iyah Mina matapos tanghaling pinaka-unang transgender woman na nanalo ng Best Actress award sa Philippine Cinema. Sa guesting ni Iyah Mina sa October 25 episode ng Magandang Buhay, ipinakita ang video message ni Vice kung saan ikinuwento niya ang pagkakaibigan nila simula nang nag-uumpisa pa lang si Iyah sa showbiz.
 


 
“Sila yung magkakabatch nila Negi sa comedy bar. Nung nakita ko (sila), sabi ko, sila yung new breed. Sila yung mga ‘up and coming’ kaya pag may mga ganap dito sa ABS-CBN, na naghahanap ng mga bagong komedyante, nirerefer ko sila nila Negi,” kwento ni Vice.
 
Dagdag ng It’s Showtime host, malaking bagay ang tagumpay ni Iyah Mina. “I’m very proud of her, doon pa lang na nagkaroon siya ng pelikula na siya ang bida, masayang masaya na ‘ko para sa kanya. Yung nanalo siya ng Best Actress, bonus na lang yun eh, pero ang laking bagay.”

 
Sinagot din naman ni Iyah ang mensahe ni Vice ng pasasalamat sa lahat ng tulong nito sa kanyang career. “Sobrang malaking bagay. Nagbibigay talaga siya ng chance, nagbibigay siya ng moment. Kagabi nga, niyakap ko siya ulit, sabi ko sa kanya, ‘Thank you kasi hindi mo kami nakakalimutan, kaming mga baguhan,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Nung unang inofer sa akin ito nagdalwang isip pa ako baka hindi totoo.Hanggat sinabing ikaw nga po tlga Canpirm. Nung ginagawa ko na eto madami akong isinakripisyo Ang trabaho ko mga raket na kailangan ko kc dun lng nmn ako kumikita pati sa regular gig ko pero d ako nagsisi kc gusto kong maexperience ito. Hindi ko talagang Pangarap ang mag ka pelikula laging dasal ko lang sa Gabi regular guestings lang sa mga Game shows para alng may appearance ng makaraket ulit. Pero binigay sa akin ang Big Screen Thank You Lord.. Ng papalapit ng papalapit ang Awards night Wala sa isispan ko ang Pagiging Actress kahit sa panaginip. Ibinigay ko lang kung anung kaya kong gawin sa Pelikula lalo na sa Tulong na aming Director Rod Singh Mahal na mahal kita pati kay Direk Easy Ferrer na napakahusay din salamat sa tiyaga. Yun pangarap ni Direk ay khit manominate lang yun lang wala ng iba. Kaya nung lumabas na asa Actress Category Shiiiit natuwa na kami dun okay na kami. Nung tinawag na ako di ko na alam nangyayari. Ganun ba talaga ang Feeling wala akong hinandang speech aba malay ko ba tatawagin. Kung anu nalang lumabas sa bibig ko kung anu na lang laman ng puso ko. Nung asa Stage ako dati namunuod lang ako ng awardsnyt ngayon ako na un asa taas ng stage Grabeeeeee!!!! Lord grabe ka magbigay ng regalo. Ngayon na ako magpapasalamat kung may makakalimutan man ako pasenxa na po.. Congrats  muna sa Team Mamu; And a Mother too Audiece Choice Award okay na nga kami dun eh hehehehe. Ang Galinggg! Sa akin Co -Actor @arronvillaflor05 congrats  isa rin nagulat nabigla sa nangyari Deserv mo yan kc mabuti kang tao Best Supporting Actor. Sa anak ko Bona Ej Jallorina ilove u and Congrats  din alam mo un laki ng naitulong mo sa akin.. Sa mga Cast sila Nay Vincent Aycocho (Petite) Congrats  Bessie.. Sa mga baklang tow na napakahusay din Renz Cyrus Ibiza Aguilar Girlie... Kay Jovani Manansala at Markus Congrats  din sainyo. Sa Team Mamu na sobra ang hirap pagod stress sa mga bagay bagay nung shoot pero makikita mo parin ang saya saknila lalo na sa shoot na always happy.. Mam Krupskaya Valila (Kaya Valila) love u Mam Dot Labro Sa aming DOP Sir Theo,

A post shared by Iyah Mina (@iyah_mina) on

 
READ: Iyah Mina is first transgender woman to win Best Actress in Philippine Cinema

Bukod sa pagkapanalo niya ng pagiging best actress sa nakalipas na Cinema One Originals, naging makasaysayan din ito para kay Iyah dahil ito rin ang pinakauna niyang acting project. Ang pelikula niyang Mamu (And A Mother Too) ay nakatanggap din ng Audience Choice Award.