• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharlene San Pedro on her insecurities: ‘Hindi ako confident sa katawan ko’

Sharlene San Pedro on her insecurities: ‘Hindi ako confident sa katawan ko’

Sharlene San Pedro shares how she gained more confidence after shooting the new thriller ‘Class of 2018’.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/25/2018 9:15 AM
Sharlene San Pedro on her insecurities: ‘Hindi ako confident sa katawan ko’


As she stars in film Class of 2018 which opens next month, Sharlene San Pedro said she will be showing a more confident and daring version of herself as she plays the role of Ada the loner in the horror thriller film. “Nakakatuwa kasi nung una, hindi ito yung role na ibinigay sa akin. So umoo agad ako sa movie kasi nabasa ko yung mismong plot, kakaiba siya. Sobrang na-excite talaga ako sa storya. Nag-diet ako kasi nung look test galing ako out of the country tapos parang feeling ko kapag pinanuod ko ang sarili ko ng ganito ako parang hindi ko magugustuhan. Kaya after nun nag-diet ako tapos nag-work out ako since nakalabas nga yung braso ko dito. Medyo workout ng onti at saka yung posture ko tinama,” she explained.

The 19-year-old Star Magic artist shared the reason why people might think she is boyish. “Sa tingin ko kasi lumaki ako na ang kasama ko dalawang kapatid kong lalake and I don’t think may mali dun. Kasi iba iba naman ng personality ang tao. Lumaki lang ako na ang kasama ko lagi ang kuya ko at kapatid kong bunso. Lumaki ako na ang pinapanuod namin wrestling, yung mga ganun ang gusto nila. So yun yung parang nakalakihan ko kasi. Iba iba rin kasi ng tingin yung tao. Parang kapag babae dapat babaeng babae dapat talaga. Yung parang ganun,” she said.

In Class of 2018, Sharlene said it took her some time to get used to just wearing a sleeveless top for the entire movie. “Nung nag-lu-look test kasi, hindi talaga ako nagpapakita ng masyadong skin kasi hindi ako confident sa katawan ko. Pero nung nag-shoot ako dito sa movie na parang sabi nila mas astig yan pag tiningnan ka. Nag-work nga. After nito sabi ko okay na ako, magpapakita na ako ng balat para masanay na ako (laughs). Okay din kasi para maiba na yung tingin ng tao, naAy hindi na sila Goin’ Bulilit. Parang hindi na sila bata talaga,’” she recalled.

Sharlene admitted her insecurity has always been about her body. “Hindi ako masyado nagpapakita ng skin kasi. Conservative type ako, yung parang lumang girl, parang ganun (laughs). Pero medyo kinabahan din ako kasi nakakatawa kasi pag may scene sinasabi ko, ‘Uy parang medyo kita yung cleavage ko diyan ah. Maganda ba?’ Inaasar ako lagi ni ate Kiray (Celis), ‘Parang wala naman! ’Nakatulong din na mawala yung insecurity ko kasi nandiyan yung mga friends ko na nagsasabi na, ‘Hindi, okay yan. Ang ganda. Okay naman huwag ka mahiya,’ yung parang ganun ang sinasabi nila,” she added.