Sa kanyang Instagram post ngayong araw, masayang ibinalita ni Regine Velasquez na nakapag-guest na siya sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.
Sa uploaded photo niya, kasama ni Regine ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Sinabi din ng Songbird na sana ay panoorin ang pag-ere ng kanyang guesting ngayong darating na October 28.
Matatandaang sinabi ni Regine na looking forward siya sa mga appearances niya sa iba't ibang ABS-CBN shows, lalo na sa show ni Vice dahil matagal na niyang kaibigan ito at masaya siya sa narating ng komedyante.