• Home
  • Fresh Scoops
  • Liquor endorsement ni Pia Wurtzbach, aprubado nga ba ng Miss Universe Organization?

Liquor endorsement ni Pia Wurtzbach, aprubado nga ba ng Miss Universe Organization?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/25/2018 9:51 AM
Liquor endorsement ni Pia Wurtzbach, aprubado nga ba ng Miss Universe Organization?


Two months ang naging paghahanda ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa kanyang confidently beautiful na pagrampa para sa 2019 calendar girl ng Ginebra San Miguel.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Our Calendar Girl. Pia Wurtzbach graces the calendar of Ginebra San Miguel. #barangayginebra #calendargirl

A post shared by Jonas Antonio Gaffud (@jonasempire.ph) on

 

Sexy at daring man sa iba’t-ibang swimsuit poses, nilinaw ni Pia na ilang linggo ang kanyang hiningi para sa bagong endorsement.

“Siguro naman guys, like a few months ago, I just feel that I need to change some things with my fitness,” kuwento pa ni Pia.

“And when I found out that I was doing this photo shoot I asked for a bit of time to prepare and they were very generous to give me that time,” sabi pa niya.

Kuwento pa ni Pia, naging routine na din niya ngayon ang pagbisita sa gym.

"And while I'm in the process of preparing, I thought to myself that I look good, I feel good, parang I feel stronger, I feel better like overall I feel good about this, parang I don't want this to end dahil natapos na ang photo shoot,” paliwanag ni Pia.

Pagdating naman sa kanyang swimsuit pictorial para sa liquor brand, paglilinaw ni Pia na hindi tumutol ang Miss Universe Organization sa naging outcome ng pictorial.

"I didn't have to explain everything to them. What happened was they love the idea. Of course they have to pitch everything like the pegs of photo shoot, and it came out really well." pahayag pa niya.

Para kay Pia, advance New Year resolution na niya ang mapanitili ang healthier lifestyle para sa bagong TV show.