• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith, nilinaw kung bakit di natuloy ang paglipat sa ABS-CBN

Jasmine Curtis-Smith, nilinaw kung bakit di natuloy ang paglipat sa ABS-CBN

Gusto sana ni Anne Curtis na magkasama sila ni Jasmine Curtis-Smith sa iisang network.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2018 9:23 AM
Jasmine Curtis-Smith, nilinaw kung bakit di natuloy ang paglipat sa ABS-CBN


Photo credit: @jascurtissmith on IG

Aminado si Jasmine Curtis-Smith na gusto talaga ng kapatid niyang si Anne Curtis na makasama siya sa ABS-CBN pero hindi nga ito nangyari.

“Gusto niya do’n (ABS-CBN) ako, gusto niya sa kanya ako. Siyempre, para lagi kaming magkasama, may chance magka-work sa isang serye or any project that they may have but she’s very happy for me kasi alaga ako and I’m happy with where I am,” simulang kuwento ni Jasmine.

Itinanggi din ng dalaga na naging isyu ang talent fee kaya hindi natuloy ang paglipat niya sa ABS-CBN. Mas malaki raw kasing magbayad ang GMA.

“Wala sa amin yon. Kasi if you think about it naman, lahat naman ng artista bayad. Nasa kung gaano ka lang ka-in demand at the moment, kung in season ka ba, kung may serye ka ba sa panahon ngayon.

“Kasi kung hindi mo naman yan kikitain sa taping, kikita ka sa endorsement, sa mga digital media, so for us, the payment yon yung pinaka-last na kinonsider namin.

“Kasi, let’s be real and practical, it’s also part of the package, but for us, kasi ang consideration namin talaga is sila yung pinakanaghintay. It was never a question of saan ba tayo mas kikita,” paliwanag pa ng dalaga.

Madalas ding gumawa ng indie films si Jasmine. In fact, mga critically-acclaimed ang ilan dito at nagbigay pa ng acting award sa kanya.

“It’s very overwhelming and I’m very, very thankful kasi iba din naman yung environment sa independent world, but more than that, I’m very, very honored kasi kahit papaano, that year and a half that I was not in the commercial scene I was still being given recognition and kahit acknowledgement lang ba for nominations in my work sa film.

“So, I’m just thankful and honored that may ganung aspect sa career ko aside from my work sa commercial,” reaksyon niya.

Nagiging mapili ba siya sa pagtanggap ng offer sa pelikula?

“I think I’ve always kind of been selective with my projects. With TV, definitely I’m not going to be the one selecting or making all the decisions. But with film, I’m definitely more picky, I’m more selective with the scripts, with my role, kasi I feel like it’s a medium na sobrang pulido dapat pag na-present mo, eh. Kasi one time big time lang yan, eh.

“It’s not an ongoing series na puwede mong baguhin any time, so ano ako, parang mas may ano siya, mas may pressure when you do a film for me compared to doing series.

“The pressure with series kasi is being able to charm the masses, being able to make them like you as much as your character. Whereas sa film, yung pressure is to sell the story and they don’t need to like you, they don’t need to know who you are as an actor,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.

Eh, gaano ba kaimportante sa kanya ang commercial success ginagawang pelikula?

Ani Jasmine, “Mas kampante ako sa trabaho kapag yung director, producer, yung mga nasa set at saka yung writer ay masaya sila sa work ko more than kung happy yung nanood. Kasi parang, siyempre sila yung nagbayad sa akin. Mas nandon ako, na happy yung mga nagbayad sa akin sa trabaho ko.

“Second na lang yung award and then third siguro yung commercial success, kung kumikita ba. Kasi I feel like sometimes problema na ng producer yon, but we have to help,” huling pahayag ni Jasmine sa interbyu ng PUSH.