• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit napre-pressure si Jed Madela kay Lea Salonga sa kanyang 15th anniversary concert?

Bakit napre-pressure si Jed Madela kay Lea Salonga sa kanyang 15th anniversary concert?

Masaya si Jed Madela na guest niya si Regine Velasquez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2018 9:27 AM
Bakit napre-pressure si Jed Madela kay Lea Salonga sa kanyang 15th anniversary concert?


Ayon kay Jed Madela, kompleto na ang kanyang Higher Than High: The 15th Anniversary Concert na magaganap sa Nobyembre 16 (Biyernes), 8 p.m. dahil guest niya ang Asia’s Songbird at bagong Kapamilya star na si Regine Velasquez.

Ani Jed, “Akala ko kasi hindi na talaga (matutuloy mag-guest), kasi in-invite ko siya, sabi niya titingnan natin kasi may concert din pala siya the day after (November 17).

“So, hindi na ako nag-expect, but one day, nag-text siya sa akin, ‘Jed, just let me know if I could still guest in your concert.’ Sabi ko, ‘Oo naman, oo naman.’ So, sobrang happy ako na parang naging kompleto yung concert ko,” kuwento ni Jed.

Gusto sana ni Jed na pagsama-samahin sa kanyang 15th anniversary concert sina Lani Misalucha, Lea Salonga, at Regine na malaki ang influence sa kanyang singing career kaya lang si Regine lang ang pumwede.

“Yon nga, nakuha ko si Regine. Si Lani, unfortunately nasa States siya kasi may concert din siya sa November. Si Lea naman, tinext ko, in-invite ko, sabi niya sa akin, ‘I’d rather watch you perform than view on stage. So bumili na po siya ng tikets and she is watching.

“Sabi ko, double the pressure kasi nasa likod ko si Maestro Gerard (Salonga), nasa harap ko si Lea Salonga. Sabi ko, bawal magkamali.

“So sabi ni Lea, ‘Bawal talaga kasi you’ll never hear the end of it from me, pag nagkamali ka lagot ka sa akin.’ Yon, ganun kami ni Lea,” kuwento pa ni Jed.

Samantala, ibinahagi rin ni Jed ang nararamdman niya sa nalalapit na concert.

“Sobrang excited and ninenerbyos at the same time,” reaksyon ng former WCOPA champion.

“Kasi siyempre, it demands so much of myself don sa entire duration of a two-hour concert. And yon, I have to prepare myself kasi siyempre yung expectations ng tao medyo mataas, but we’re very, very confident na we have a really good show.

Asahan din daw ang mga putok-litid na kantang ibibirit niya sa Araneta concert.

“Yon naman ang gusto nila kaya ibibigay ko yon sa concert. Siyempre ini-expect nila ang pag-awit ng big songs. Power belting, kumbaga.

“Pero higit sa pag-awit ng ganyan, ang goal ko talaga para sa concert na ito ay dalhin ang audience sa next level, yung tipong may goosebumps bawat number,” sambit pa ng singing champion.

Ang Higher Than High: The 15th Anniversary Concert ay sa direksyon ni Marvin Caldito. Makakasama ni Jed sa concert ang  ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Maestro Gerard Salonga at ang Philippine Madrigal Singers.